Teri Malicot
Sabik ang tingin ko sa iyong pagdating,
kabisado ko ang iyong imahe
matakpan man ng mga nag-uumpukang ulo;
hangad na makakiskisan ng braso,
payapa na ang aking mundo.
Sa pagitan natin nagtatagpo
ang nag-iiwasang mata,
bumibigkas ng pagsuyo
ang mailap na bibig, humihinga
sa hinga ng isa't-isa.
Luningning itinuring sa daanan;
masikap ang mahina,
kahandaan ng katapatan.
Daig ng panghihinayang ng
nahuli ang oras na lumipas,
marahil ikaw ay nauna.
Puno man ng imbot ang kublihan,
langit ituring patungo sa kagaanan.
Sa kabila ng kapintasan,
malabo na ika'y pagsawaan,
Kahit masaktan,
dahil ang loob mo'y naninimbang
ng may kataasan.
#NotoMrtLrtFarehike