dahil napanood ko ang old version ng
Peter Pan cartoon habang inaantay sumapit ang birthday, nagflashbabk sa'kin ang
mga cartoon na kinahiligan ko nu'n bata ako. Si Ida, nakilala sa tagline
niyang, “timespace warp, ngayon din!”, na madalas kong ginagaya. Tuwang-tuwa
ako sa hinhin niyang magsalita, kahit villain siya, makabuluhan naman ang
sinasabi. Dinidiskusyonan niya at ni Fuumu ang monster bago umpisahan ang
ritual ng pagbubuo ang monster na kakalabanin ni Shaider.
Stigma na ng monster/halimaw ang masama/villain/pumapatay. Sa
Isla ng Panay, minsan nang ginamit ang nosyon ng aswang upang paalisin ang mga
colonizer. Si Tenyente Gimo ng Duenas, Iloilo, na pinaniniwalaan kumakain ng
liver ng tao ay pinalaganap noong panahon ng hapones. Ang babaylan/healer na
lider ng komyunidad na tinawag na 'aswang' ng kastila para sila ay kasuklaman
at overthrown bilang lider gayon mapalawak pa ang encomienda at umagaw ng
lupang patatayuan ng simbahan. Ang mga babaylan/shaman na ito ay mga aswang na
siyang nagrebolusyon laban sa kastila. Sosyo-kultural konsepto ng aswang sa
pagtanggol ng soberanya.