Miyerkules, Hunyo 10, 2015

SIAKOL: HOR mob at dramatic na scene ng bagets sa first days of school at ang siomai


nakita ka raw nila. hindi tayo nagpang-abot. nanghihinayang ako. pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita tayo. mukhang hindi pa ako handa. patawad kung kinukwento kita sa iba, ang pagtanggi mo sa pagsuyo ko sayo. Uu, kinukwento kita, naghahanap ako ng sagot sa kanila. kinukwento kita sa mga kakilalang matagal nang hindi nakita. kinukwento kita sa mga kakakilala pa lang. Sunga ako, tama. Sa kanila ko hinahanap ang tanong na sa'yo magmumula. Sinisinsin ko ang mga pananaw nila. Baka makadagit ako ng mainam na kasagutan na ikaw lang naman ang makakapagbigay. sa lahat ng iyon. ayaw nila. pero gusto ko. subjective sila, ang konklusyon nila. subjective daw ako dahil sa feeling ko. marami akong gustong i kwento sayo tulad ng bagong nababasa kong libro. yung mga pasaherong naka kurbata, antok na antok sila. parang ako lang ang gising.parang ako lang ang may diwa. parang gusto ko silang tanungin, alam ba nila na pinapanawagan natin ang makatarungan na sahod. yung trapik na lalong nagpapaalala ng kakaunting alaala natin. magaanim na buwan na rin ang lumipas, 'ni anino mo hindi ko nasilayan. lumisan na ang mga ganap sa buhay mong itinapon mo na kung saan , akala mo lang na babalik ang mga iyon. HINDI. hinding-hindi sakin. maibalik ko sana ang tanong mo sa'kin nun huli tayong nagkita;


bakit? bakit? bakit?




*epekto ng maanghang na somai