Tila baril na nakatutok sa'kin ang maraming tanong na naduduwag kong sagutin
sa mga nagtatanong sa'kin. Hindi ka ba mag-aasawa? Wala ka bang planong
mag-anak? Magtrabaho? Tumatanda ka na.
Humaharap na yata ako sa quarter life crises. Bothered ako ng existentialist
questions na kinakaharap din ng mga kaedaran ko, ‘paano ka pagtanda?’
Ginigiit ng tito ko na magka-SSS. Paano ko daw isasalba ang sarili ko sa
pagtanda nang walang pensyon. Nabarkada daw ako kaya ako naging aktibista. Metapisikal
na konklusyon. Loner nga ako eh. Maliit pa lang ako, pinagbabawalan na akong
lumabas ng bahay. Wala nga akong naka barkada na kapitbahay. Yung mga
highschool friends ko, wiz khalifa akeech balita. Looking for greener pasture
ang peg ng mga college friends ko.
Kinukupot ang sekyuridad sa pagtanda ng pagkakaroon ng SSS at iba pang anek
na government benefits. Mahirap ang sekyuridad sa Pinas. Nag-aagawan ang
classes at any form of ownerships. Kahit ano pa ang naipundar, gumagawa ng paraan
ang gobyerno na bawiin ang pagmamay-ari. Hindi ba ganyan ang nangyari sa mga
denimolish na maralita.
Matagal nang uso sa reactionary government ang mangako at babawiin kapag
iniipit na sila ng ruling class. Achoo. Achoo. Kaya hindi na bago ang walang
sawang amendments at reforms na sa sumatutal silang bureucrats din ang
nakikinabang.
Kung madali lang ipaintindi sa tito ko na class-based structure ng society
sa Pinas. Hindi na sana ako magtatago pagdating nila. (Hahaha).
Ang daming pinapa problema sa’kin ng mga tao. Dagdag sa nilalabanan na kontradiksyon.
Matatagpuan ko uli ang sarili kong napi privilege speech sa harap ng
kamag-anak. Mauupos akong parang kandila uli nito.
Nagwa wild ang utak ko, naghehead-bang sa Halik ni Hudas ng Wolfgang.
Puwede ko pa naman ihulog ang natitirang pamasko ko sa SSS. Ay, nawawala na
ang SSS ID ko.
Hay naku buhay…