Biyernes, Hulyo 10, 2015

Rebolusyonaryong aswang

dahil napanood ko ang old version ng Peter Pan cartoon habang inaantay sumapit ang birthday, nagflashbabk sa'kin ang mga cartoon na kinahiligan ko nu'n bata ako. Si Ida, nakilala sa tagline niyang, “timespace warp, ngayon din!”, na madalas kong ginagaya. Tuwang-tuwa ako sa hinhin niyang magsalita, kahit villain siya, makabuluhan naman ang sinasabi. Dinidiskusyonan niya at ni Fuumu ang monster bago umpisahan ang ritual ng pagbubuo ang monster na kakalabanin ni Shaider.
Stigma na ng monster/halimaw ang masama/villain/pumapatay. Sa Isla ng Panay, minsan nang ginamit ang nosyon ng aswang upang paalisin ang mga colonizer. Si Tenyente Gimo ng Duenas, Iloilo, na pinaniniwalaan kumakain ng liver ng tao ay pinalaganap noong panahon ng hapones. Ang babaylan/healer na lider ng komyunidad na tinawag na 'aswang' ng kastila para sila ay kasuklaman at overthrown bilang lider gayon mapalawak pa ang encomienda at umagaw ng lupang patatayuan ng simbahan. Ang mga babaylan/shaman na ito ay mga aswang na siyang nagrebolusyon laban sa kastila. Sosyo-kultural konsepto ng aswang sa pagtanggol ng soberanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento