Noong nakaraan gabing pakikipagtalakayan sa mga manggagawa ng Tanduay, ayon sa karanasan nila sa produksyon sa loob ng planta, ang naaksidente habang nasa trabaho ay sinisisi at pinararatangan na 'tanga-tanga'. Ang ilan sa kanila, natalsikan ng bubog sa mata tulad ni Ronnel Marasigan at ang iba naman, naipit ang daliri sa operating machine. Maliban sa 'No work, No pay', ang manggagawa ng Tanduay ang bumibili ng protective gear/vest na ang naglalako rin ay ang management.
Ang pagbabalik ng sisi at pagsasabi ng 'tanga' sa mga mangagawa ay hindi makatao. Sino ba ang bugbog sa trabaho? Sino ang kilos nang kilos? Nire-reverse psychology ang mga mangagawa ng management na tuta ni Lucio Tan para makalusot na i-shoulder ang expenses ng pampapagamot. 'Tong si Lucio Tan kaakibat ang mga tuta niya sa management ay akala mo perpekto na hindi nagkakamali na tila ba exempted silang maaksidente.
Garapal at sagad-sagaran ang ganid sa tubo. Nagpakayaman sa bansang Pilipinas pero walang respekto sa mga Pilipinong manggagawa. May nagkapagsabi, h'wag daw hulihin ang patong nangingitlog ng ginto kungdi mawawalan ng ginto. Mukhang namamaliit ang manggagawa eh nasa kanila nga ang lakas-paggawa.
*Ang TUDLA ang kauna-unahan unyon ng mangagawang kontrakwal.
#TanduayWorkersonStrike #BoycottTanduay#WakasanAngKontraktwalisas yon

#TanduayWorkersonStrike #BoycottTanduay#WakasanAngKontraktwalisas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento