Biyernes, Enero 15, 2016

kapag nagalit ang mga Manang

Isang beses na tumambay sa tapat ng bahay namin ang mga Manang, pinag-uusapan nila ang kalusugan: gamot, hospital at sakit. Sabi ng isang Manang, iboboto raw niya si Neri Colmenares dahil siya lang ang nakaisip magpasa ng batas na dagdagan ang pension. Maliit lang ang 3k na tinatanggap niya sa isang buwan, sa gamot pa lang kulang na. At nahihiya na rin siyang humingi pa sa mga anak na may kanya-kanya nang pamilya. Sinabi pa niyang walang kwenta ang pamumuno ni Pnoy at sawa na siya.

Malapit sa mga senior citizen ang kandidatong alam ang kanilang pangangailangan lalo't nasa panahon na silang unti-unting humihinina ang pangangatawan, bulnerable sa kumplikasyon ng sakit at hindi uubrang kumayod pa. During senior age o mas maaga pa, nag-uumpisa ang deterioration ng health. Sa edad na yan, lumalabas ang iba't-ibang sakit na maaring nakuha nila noong kabataan nila (i.e sobrang trabaho, kondisyon sa working place na nagresulta sa ganitong sakit, asthma/hika halimbawa). Ang elderly population ay vulnerable population kaya nga dapat mas lalo silang pinagtutuunan ng pangangalaga. Kahit kailanman hindi ito mapagtatanto ni Noynoy lalo na't ang pamilyang niya ay madaling nakakapaglabas ng pinansya para sa kanilang kalusugan, lalo sa mga panahon emergency. Sa estado niya, kahit kailan hindi sila mangangamba dapuan man sila ng malalang sakit.

mula ang larawan sa anakbayan FB  page
(https://www.facebook.com/anakbayanphils/photos/a.196894503659321.57811.193483107333794/1248021601879934/?type=3&theater)

Sabado, Enero 2, 2016

ang butch sa pyudal na lipunan


Istiryotipo sa isang butch na lesbian ang ikumpara ang kalakasan at skills niya sa isang lalaki. Magbigay daan sa isang straight na babae o yung tipong may kasama kang 'girlaloo', chicha mo s'ya.


Sa kinasamaan palad, magulo ang oryentasyon ng kategorasyon ng kasarian na binuo ng bulok na lipunan. Mahuhulog ka sa expectation ng mga taong ang oryentasyon ng normalidad ay nakaangla sa kumbensyunal o heteroseksismo. Ika nga eh masculine culture na submissive ang kababaihan sa kalalakihan. Kinukulong sa machong kaisipan na igaya ang sarili sa kilos at pananalita ng lalaki. Kung iba ang gawi mo sa linya ng 'boys' ay confuse ang ipaparatang sayo. Arbitraryo ang social conditioning. Sa konteksto ng socio-cultural, lalo pa itong pinapalala ng aparato ng estado.


Bumababa ang pagtingin sa mga butch dahil hindi nagagampanan ang biological role niyang 'to produce offspring' bilang ang pamilya ay basic unit of society. Patas sa pagtingin na hindi niyang kayang pantayan ang lalaki sa palagay na babae pa rin siya. Nalilimitahan ang potensyal at freewill niya ng mga ganitong salik.


Bago pa man umusbong ang pribadong pagmamay-ari, kaagapay naman ang kababaihan sa kolektibong produksyon. Napapahalagahan ang partisipasyon niya sa produksyon.
Sa ganitong sadlak sa kahirapan, gagawin mo ang lahat kahit labag sa loob. Paano nga naman kung butch ka pero kelangan mong kumita ng pera. No choice kang magpalda para maka-apply sa mga disenteng trabaho.


Enehaw, ang gusto ko lang sabihin eh kumportable akong natutulog na naka boxershort at kayakap ang manika sa gabi. At ayaw kong itakwil ang ilan feminine side ko dahil lang one-sided ang pagtanaw sa kasarian.



mula ang larawan sa https://www.pinterest.com/pin/553309504194055636/