May isang malaking
hukay. Ang hukay ay sadyang ginawa upang gawin libingan. Inilibing ng
gumawa ng hukay ang sarili. Kung ano ang ang mga dahilan niya ay siyang hindi ko
lubusan maunawaan. Ang tangin naarok ng mata ng aking isipan ay ang
anino ng kasaysayan:
gusto niyang maitago ang parte ng kanyang pagkatao na nadungisdan. Ang dungis yaon, na siya rin mismo ang nagbahid.
Sa tinagal-tagal, umalingasaw ang masangsang na amoy n amatagal niyang itinatago. Alerto siya sa magaganap, may nakahanda palagi na pala. Muli niyang bubungkalin ang lupa. Palalaliman niya ang hukay. Ibabaon niya ang parte ng kanyang sarili na nadungisan.
Takot, pangamba, gustong iiwas ang sarili sa kahihiyan. Ang mga ito ay parang ipo-ipung nagpaikot-ikot sa kanyang kalooban. Hindi niya namalayan kay lalim na ng kanyang nahukay. Umabot ito sa sandaling hindi na niya maabot ang ibabaw ng lupa. Pinipilit niya pumaibabaw. Tinungtungan niyaang mga batong nakadikit sa lupa. Nagsusumidhi ang kanyang loob na makalis sa hukay. Subalit nabigo siya sa hangarin, nagkagalos lang ang buo niyang katawan. Umupo siyang hinahabol ang hininga.
Lumalalim na ang gabi hudyat na ito na magsisilabasan ang mga likha na sa silim ng gabi nabubuhay.
Maliban sa kuliglig, sumasabay sa ingay ng gabi ang kalabog ng likha ng daga sa kanyang t’yan. Kumakalam na ang sikmura niya. Lalong sumasakit ang ulo sa nalalanghap na nabubulok nang parte ng kamyang katawan na nasa kanyang harapan. Habang hawak ng kaliwa niyang kamay ang t’yan, hinihilot naman ng kanan kamay nito ang parang mabibiyak sa sakit ng ulo. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan, sumisikip na ang dibdib sa kakulangan ng hangin sa loob ng hukay. Napaidlip na siya sa hirap na dinadanas, pagkamulat ng kanyang mga mata, nagulat siya sa nakita. Halos kalahati ng katawan niya ay natatakpan ng mga daga. Mga daga na kasing laki ng pusa. Ang mga sugat sa kanan bahagi ng kanyang braso ay pinutakti ng mga uod. Nang maramdaman ng daga na nagkamalay na siya, nakipagtitigan ang mga ito sa kanya na parang nanunudyo, at ang iba’y parang nagagalit. Nakita pa niyang sabay-sabay ang mga itong pinunasan ang kanilang bibig gamit ang dila. Tila ba ang mga daga'y sarap na sarap sa natikman. Hinawi niya ang mga daga ng kanan kamay,lahat ang nagsipagtakbuhan. Maiingay. Nakakarindi ang ingay sa pandinig.
Mamukat-mukat niya kalahati na ng katawan niya ang nakain ng mga daga. Ang mga uod sa kanan bahagi ng braso niya ay palaki ng palaki habang inuubos nito ang laman. Nararamdaman niya na gumagapang na ang mga ito patungo sa kanyang tenga. Iwinasiwas niya ang kanan braso, halos paubos na rin pala ang mga ito. Gusto na niyang sumigaw upang humingi ng saklolo, gagpumilit siyang tumayo ngunit nabali lang ang buto niya sa paanan. Hilong-hilo na siya at hindi malamamn ang gagawin.
Sa pagod kakaisip, napaidlip muli siya, sa pagkamulat ng kanyang mga mata ay may hamunado na sa kanyang harapan. Kumilos siya para ito’y abutin at kainin. Sarap na sarap siya. Matamis. Maninamnam. Tumulo pa ng sarsado nito sa gilid ng kanyang bibig. Napakarami na ng kanyang nakain nang bigla siyang sabayan ng daga at parang sarap na sarap din ito. Nagtataka siya.Nagkatitigan silang dalawa. S'ya na nagtataka kung bakit nakikihati ang daga sa kanyang hamunado. Gayundin, ang daga na parang nagtataka ang mga titig kung bakit siya kumakain ng laman ng tao!
Sa mga titig ng daga niya napagtanto na sariling katawan na pala niya ang kinakain. Hindi niya alam kung halusinasyon lang ang lahat, ngumiti pa sa kanya ang daga at saka ito kumaripas ng takbo.
************************************
Tumulo ang pulang likido sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa kanyang dibdib, may mahabang nakaumbok na gumagapang papunta sa kanyang puso. Sa ulo man niya ay may nararamdaman na kiliti. Mga ilan minuto pa’y nangisay-ngisay na siya kasabay ang pagtirik ng kanyang mga mata.
Sumikat ang araw, ang sinag nito’y umabot sa kanyang kinaroroonan.
Dalawang malulusog na uod ang lumabas sa butas ng kanyang ilong.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento