Sabado, Pebrero 21, 2015

sepanX ng nagdaan kabataan makabayan @ 50 theater production

Siguro nga dahil lumaki ako sa lipunan panatiko sa mga inanimate, tapunan nga naman ang bansa natin ng surplus ng kolonyal na bansang US. Mahirap nga naman makabili ng bagong gamit dahil mahirap kitain ang pera.  Maliban dito, egoistic ang acquistion ng bagong gamit lalo na't ito ay uso.  Pupurihin ka ng kakilala mo. Ang papuri ay nagdadala ng status quo. Kahit pa sa reyalidad, below minimum wager lang ang consumer or walang trabaho.  Ang halimbawang isang janitor na mag may ari ng iphone na tig 20k, hindi nga naman ito imposible, dahil sa konsumerismo,  kaya nga sumulpot ang imitation.  In relation to this thing called consumerism na ang high end gadget ay pinauuso ng mayaman bansa para sa mga elista,  name it, yan mga kasama sa class na burgeios compradors,  pambansang kumprador at landlords. At dahil nga nasa kanila ang economy at political power, naimpluwesyahan din nila ang kultura. So kung ano ang meron sila, silang mga ruling class,  ginagaya ng lower class. At gagayahin na ng nakakarami,  hegemonized nga ang ating kultura.  Yung yata ang purpose ng kunsumerismo, ang sumunod sa uso kahit isang kahig-isang tuka lang.

In relation to this again, dito ko yata nakuha ang drama ko kapag itinapon o ibinabalik na ang gamit na hiniram. Ayaw ko na sana ibalik ang kahon na pinaglagyan ng costume ko. Memorable sakin ang prod maliban sa golden anniversary ng kabataan makabayan,  for 28 years ng existence ko, first time kong magtanghal sa totoong teatro.

Totoong marami akong sinakrispiyo dito tulad ng pagsasantabi ng ilang mahalagang gawain, bagamat noon una alangan pa ako kung kakayanin ko nga ang mahabang oras ng rehearsal at kung magagampanan ko ng maayos ang role ko bilang cast ng production. Kung hindi nga naman susubukan, hindi mo rin malalaman ang hangganan ng sariling kakayahan. Chorale, movers at actress hindi main character ngunit lahat ng naman ng role main man or extra malaking role na yung sa pagbubuo ng isang imposibleng production.

Demoralisa na nga ako kapag laging pinupuna ang mali ko, kasi subjective na ang pagtigin ko na ako ak na lang laging nakikita pero burgis iyun, kasi yung magagaling kapag nagkamali, hindi na pinupuna, pero pagtatama naman sa pagkakamali para matuto lalo nat hindi naman mahaba ang panahon ng rehearsals at hindi naman ako at kami na karamihan ay performer. Natapos ang production at matagumpay na nailunsad, sa dami ng taong dumalo.

Isa sa realization ko sa production, ang pagpapanibagong-hubog ang tunguhin nito pagpapaunlad sa sarili, na overcome ko ang fear ko sa pagharap sa maraming tao (digits? 4k lang naman) at pakikibagay sa iba't-ibang tao na iba-iba ang ugali at pananaw. Tunggalian pero may pagkatuto.
Totoong haggard-an ang prod lalo na sa production staff, challenge ang itaguyod ang prod na limitado ang rekurso.

Lalo mo pang nakikila ang sarili, one step forward, binabakbak ang kaburgisan sa katawan upang lalo pang mapagsilbihan ng buong buo ang sambayanan.

Ano nga uli ang sabi sa panunumpa,

"Pangangalagaan ang dangal at pagkakaisa ng Kabataan Makabayan at Pambansa-demokratikong kilusan, buhay ko man ay ialay.



Lunes, Pebrero 16, 2015

KM@50 videos

dapat pala nag hire ako ng sariling photographer na ako lang ang kukuwanan niya ng shots, kakaunti lang ang picture ko. hahaha. Arti! well ito na ang ilan sa videos na nadaanan naman ang mukha ko.




ito pa





Martes, Pebrero 3, 2015

tangang pangulo galit na si the gwapings

from Pixel Offensive

Dati ko lang siya napapanood sa 'Palibhasa Lalaki' every saturday night comedy sitcom ng ABS-CBN na natural na pa macho din ang palabas (kung paano nga nila pakitunguhan ang mga invited guest nilang babae) at puru tolonges hinding-hindi ko rin malilimutan yung tagline ng kasama niya na sila Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuosona na 'We are the Gwapings' na siyang madalas ko rin ginagaya noon panahon kasagsagan ng sitcom na ito. 

Ang sabi ng matatanda, ang tahimik daw na lalaki kapag nagsalita, totoo at wagas. Minsan lang magsalita pero masakit. Magsasalita lang kapag sobra na. Kung sa pamacho lang na usapan, ang bumatikos sa maling gawain lalo't nasa kapangyarihan ang pinagpatungkulan ay isang tunay na katapangan. Hindi lang simpleng banat ang binitiwan ni Jomari kay Pnoy, matindi at masakit ang binitawan niyang salita, 'tangang Pangulo ng Pilipinas' at tinutugis niya ang dayuhan umaagaw ng lupa. Kahit na alam niyang mapanganib ang magsalita na may halong politika dahil nasa mundo siya ng mediocrity which is showbiz at kapitbahay lang niya si Kris Aquino sa showbiz. Katapangan ang pinakita niya, bilang isang dating matinee idol, lumikha rin siya ng pangalan sa showbiz industry na pagkakamalan mong nakahanay lang din siya sa mga bastos na artista na magpakita lang ng katawan lumaki na ang ulo, na akala nila magaling silang umarte, na pinanday ang galing nila ng mga awards na peke, na ang esensiya ay para lang pagkakitaan at e-exploit sila bilang artist. Isubo sa kanila ang kontratang umuupos sa kanila bilang talents. Nag-iinvest ng talents, unequal ang. 

Aakalain natin nakukupot lang sila sa pag entertain ng manonood, na robot silang dinidiktahan ng manager at network na humahawak sa kanila. Atleast sa pagbubukas ni Jomari Yllana ng opinyon niya at ginawa pa niya sa social media, masasabing ang middle class na artista tulad niya ay direktang apektado ng bulok na sistema, umaaray, direktang apektado ng mismong kasunduan paandar ng impeng US at minamanipula ng administrasyong Arroyo. Isang Jomari Yllana, mula sa hanay ng mainstream artist, ang nakaka obserba ng pangdarambong sa likas na yaman ng Pilipinas, tunay nga siyang Pilipino, nagmamalasakit siya sa sariling bansa. 


Politika nga naman ang kulang, at karamihan sa showbiz na inihulma na maging dekadente at immatured, binabastos ang pagkatao nila at binabansot ang role nila sa lipunan, kamangha-mangha ang pagpapakitang tapang ni Jomari. Politika ang dala niya at pinangudngod niya sa mukha ni Pnoy ang katangahan niya. Unlike ng naka trabaho niyang si Richard Gomez sa Palibhasa Lalaki, sumikat nga at gumaganap ng main cast at maraming awards, pero katawan lang meron, walang bayag at wala rin utak. Walang malasakit sa kababaihan. Walang pusong makabayan. 
Kasikatan lang niya ang iniintindi niya. Makapal ang mukhang tumakbo sa govenment position na wala ngang malasakit sa kababaihan. Sa ganitong ganap ng panahon natin na palala nang palala ang krisis, hindi natin kailangan ng isang Richard Gomez. 

Ang pagharap sa hamon ng buhay ang totoong eksena at ginagampanan iyan ni Jomari. At dahil iyan ikaw ang tunay na macho, ang artista ng bayan, nagsasalita para kapwa nagdadala ng politika. 

Walang-wala si Richard, mas walang-wala si Pnoy. 

Goodluck sa paga unfollow ni Kris Aquino, baka wala nang matira sa kanya. Immatured!