Sabado, Pebrero 21, 2015

sepanX ng nagdaan kabataan makabayan @ 50 theater production

Siguro nga dahil lumaki ako sa lipunan panatiko sa mga inanimate, tapunan nga naman ang bansa natin ng surplus ng kolonyal na bansang US. Mahirap nga naman makabili ng bagong gamit dahil mahirap kitain ang pera.  Maliban dito, egoistic ang acquistion ng bagong gamit lalo na't ito ay uso.  Pupurihin ka ng kakilala mo. Ang papuri ay nagdadala ng status quo. Kahit pa sa reyalidad, below minimum wager lang ang consumer or walang trabaho.  Ang halimbawang isang janitor na mag may ari ng iphone na tig 20k, hindi nga naman ito imposible, dahil sa konsumerismo,  kaya nga sumulpot ang imitation.  In relation to this thing called consumerism na ang high end gadget ay pinauuso ng mayaman bansa para sa mga elista,  name it, yan mga kasama sa class na burgeios compradors,  pambansang kumprador at landlords. At dahil nga nasa kanila ang economy at political power, naimpluwesyahan din nila ang kultura. So kung ano ang meron sila, silang mga ruling class,  ginagaya ng lower class. At gagayahin na ng nakakarami,  hegemonized nga ang ating kultura.  Yung yata ang purpose ng kunsumerismo, ang sumunod sa uso kahit isang kahig-isang tuka lang.

In relation to this again, dito ko yata nakuha ang drama ko kapag itinapon o ibinabalik na ang gamit na hiniram. Ayaw ko na sana ibalik ang kahon na pinaglagyan ng costume ko. Memorable sakin ang prod maliban sa golden anniversary ng kabataan makabayan,  for 28 years ng existence ko, first time kong magtanghal sa totoong teatro.

Totoong marami akong sinakrispiyo dito tulad ng pagsasantabi ng ilang mahalagang gawain, bagamat noon una alangan pa ako kung kakayanin ko nga ang mahabang oras ng rehearsal at kung magagampanan ko ng maayos ang role ko bilang cast ng production. Kung hindi nga naman susubukan, hindi mo rin malalaman ang hangganan ng sariling kakayahan. Chorale, movers at actress hindi main character ngunit lahat ng naman ng role main man or extra malaking role na yung sa pagbubuo ng isang imposibleng production.

Demoralisa na nga ako kapag laging pinupuna ang mali ko, kasi subjective na ang pagtigin ko na ako ak na lang laging nakikita pero burgis iyun, kasi yung magagaling kapag nagkamali, hindi na pinupuna, pero pagtatama naman sa pagkakamali para matuto lalo nat hindi naman mahaba ang panahon ng rehearsals at hindi naman ako at kami na karamihan ay performer. Natapos ang production at matagumpay na nailunsad, sa dami ng taong dumalo.

Isa sa realization ko sa production, ang pagpapanibagong-hubog ang tunguhin nito pagpapaunlad sa sarili, na overcome ko ang fear ko sa pagharap sa maraming tao (digits? 4k lang naman) at pakikibagay sa iba't-ibang tao na iba-iba ang ugali at pananaw. Tunggalian pero may pagkatuto.
Totoong haggard-an ang prod lalo na sa production staff, challenge ang itaguyod ang prod na limitado ang rekurso.

Lalo mo pang nakikila ang sarili, one step forward, binabakbak ang kaburgisan sa katawan upang lalo pang mapagsilbihan ng buong buo ang sambayanan.

Ano nga uli ang sabi sa panunumpa,

"Pangangalagaan ang dangal at pagkakaisa ng Kabataan Makabayan at Pambansa-demokratikong kilusan, buhay ko man ay ialay.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento