Ang hindi masabi ng chocolate, rubber shoes at mga pasalubong sa loob ng balikbayan box sa hirap ng OFW tulad ni Mary Jane Veloso at Flor Contemplacion
April 26, apat araw na lamang ang nalalabi noong bibitayin na si Mary Jane, nasa harapan kami ng Embaha ng Indonesia upang makiisa sa solidarity night habang nagaganap ang negoyasyon sa pagitan ng Makati police at ni Gabriella Representative na si Ginang Emie De Jesus.
Pinapaalis kami sa ilan kadahilanan: Una, nagdudulot kami ng trapik kahit ang kabilang lane ng kalsada ay hindi okupado at ang ilan sa mga supporters ay tumutulong sa pagpapadaloy ng traffic; ikalawa, maingay daw kami at distruction sa mga natutulog kahit nagtatayugan at air-conditioned ang kalakhan sa katabing establishment ng embaha; pangatlo, walang permit kahit mayroon ngunit hindi pinirmahan ng respective police officer ng Makati; at ang pinakahuli, nanganganib ang pader ng embaha nang dahil sa’min, bawal ito madikitan kahit hindi okupado ang passers-by lane ng embaha at ang nakatambay rito ay siyang kapulisan rin naman ng Makati.
“Walang dispersal”, sumangayon ang superintendent ng Makati police.
Dumating ang mga tao upang sumuporta mula pa sa malalayong lugar katunayan iyan ng ilan foreigners na dumalo sa ilan gabi ng solidarity.
Ngunit bumalik ang kapulisan bitbit ang truncheons at yantok. Hindi nagpatinag ang mga supporter, hinarap at sumalubong sa kapulisan, bakit nga naman hindi, sino pa ang matatakot sa dahas na kinukubkob ang bawat isa sa amin ng galit. Nagagalit kami pagkat ang pagpapaalis nila sa’min ay nagpapakita lamang ng kawalan simpatya sa kapwa kababayan. Nagagalit kami pagkat mapayapa kaming naglulunsad ng protesta ay para kaming kinukulong sa takot, na anuman oras, ihahambalos sa amin ang truncheon, ipupukpok sa ulo naming ang yantok. Nagagalit kami pagkat nasa embahada silang kapulisan hindi upang sumuporta sa panawagan kay Mary Jane kundi upang ipagtanggol ang dayuhan.
Hindi ko mawari kung bakit napakahirap ipaintindi sa kapulisan ng Makati ang sitwasyon ng kababayan natin na si Mary Jane na siya ay ang bibitayin na biktima lamang ng international drug syndicate at natulak mangibang bansa dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa natin, na kung sila mismong naghahanap-buhay at citizen ay mulat na mulat sa ganitong sitwasyon sa Pilipinas.
Sumunod na gabi, ilan truck ng kapulisan ang dumating na aakalain mong nagdeklara si Poncio Pilato ng digmaan sa harap ng embaha. At kami? Kung maari lamang pahabain pa ang nalalabing oras.
(Insert picture form instagram)
Mula sa
http://thepinoysite.com/2013/12/04/si-binay-ang-magiging-pangulo-sa-2016/
Ang hindi masabi ng chocolate bar
tungkol sa labor export policy
Sa pakikinig
ko sa Migrante International at National Union of Philippine Lawyer (NUPL), ito
ang aking napagalaman sa labor-export policy
1) Nang
maipatupad ang labor export policy dumami ang overseas workers, pangapat ang
Pilipinas sa exporting countries
2) Aabot
ng 1 milyon ang lumalabas ng bansa kada taon o 5, 031 kada araw ng taong 2013
sa tala ng Ibon Foundation.
3) Nasa
13 milyon-15 milyon ang OFW
4) Ipinatupad
ang labor export policy noong panahon ni Marcos, ang ilan sa layunin: upang makahabol ang peso sa dolyar sa pamamagitan ng remittances.
5) Walang proteksyon ang overseas workers sa labor-export
policy. Hayag nitong ibinebenta ang lakas-paggawa ng mangagawang Pilipino sa
murang halaga.
6) Maaring maging biktima ng iligal na kontrata,
human trafficking at execution
Nangangatulong
ang galing sa probinsya sa Manila o urban ng probinsya. Ang ilan pa nga sa kanila,
nakapagtapos ng kolehiyo o pagmamay-ari ng maliit na lupang sakahan. Kung hindi
man inagawan ng lupang sakahan, hirap tanggapin sa trabaho dahil hindi kilala
ang pamantasan. Ang kababayan natin, nangangatulong sa ibang bansa sa kabila ng
banta ng mamaltrato. Binitay si Flor Contemplacion, nasa isipan pa rin ng
kalakhan ang mangibang-bansa. First quarter ng taon 1995, gumigising kami ng
maaga ang laman ng balita, ang pagbitay kay Flor Contemplacion. Sampung-taon pa
lang ako noon, pero tatandang-tanda ko ang ugong ng pangamba sa loob ng bahay.
Halos lahat ng kamag-anak naming ay OCW. Dekada 90’s nang dumadami ang migrant
workers. Karamihan sa kapitbahay namin ay sunod-sunod nang kumukuha ng
passport. Ngunit ang paniniwala sa kapalaran ang siyang nagbubura sa isipan
nila sa sinapit ni Flor Contemplacion.
Taong 2004 ng
magtapos ako sa sekondarya, kasagsagan ng in-demand ng kursong BS-Nursing noong
pinatampok sa midya ang oportunidad ng trabaho at mataas na sahod. Karamihan sa
miyembro ng mag-anak ay health care workers, forensic nursing or Nurse Corps
ang field na gusto kong pasukan na in-demand sa bansang Middle East sa
kahilanan kakaunti lamang ang tumataya ng serbisyo sa giyera. May naging
kaklase ako na nanay na at pinag-aaral ng asawang OFW, second-courser na kaklaseng
may working experience na ngunit taon ang inilabi sa kumpanya ay minimum-wage
pa rin ang sinasahod. Mga doctor na kumuha ng kursong nursing. Dumating sa
puntong oversupply ang nurses na halos hindi na sumapat sa bilang ng hospital
para sa mga practicuum at minimum 2 years of working experience na rekisito. Ang mga napag-iwanan ng booming healthcare industry
na ito ay sa call-center nakahanap ng
kanlungan.
Nitong
nakaraan taon, nabalitaan ko na lang sa dati kong pamantasan na aabot na lamang
sa isang class ang magsisipagtapos ng nursing. At dating kong clinical
instructors, bumalik sa practice. Bumagsak ang in demand, hindi natuloy ang
dagdag na isang taon. Inconsistent ang demand sa graduates. Tumahimik ang dominant media. May diperensiya ang ekonomiya.
Tao ang ini-import. Kinakalakal.
Ang hindi masabi ng
rubber shoes sa darating na eleksyon at ang epekto nito sa OFW
Kandidato sa Presidente si Vice President Binay sa darating na
2016 election. Nabasa ko sa facebook page niya ang pagso-solicit ng sentiyemto
tungkol sa kinakaharap na problema ng
bawat Pilipino. Gawi ng mga kandidato ang magtanong ng problema na para bang
bagong usbong lang ang mga ito, na para bang hindi pa nila naharap ang ganitong
uri ng problema noong naluklok sila sa puwesto. Mag-uumpisa sa pangako na
tutulungan, at kapag hindi nagawan ng paraan, iiwanan sa ere. Ibabalik ang sisi
sa masa. Katunayan ito sa naging kaso ni Mary Jane at marami pang Pilipinong
sinisisi na para bang pinili nila para sa sarili nila ang karukhaan na siya rin
naman kinasusuklaman ng burukratang opisyales.
Kapag napapanood ko ang advertisement ni Vice President
Jejomar Binay, bumabalik sa alaala ko ang pagmamalupit ng kapulisan ng Makati.
Kasagsagan ng pangagampanya kay Mary Jane, ‘ni anino niya ng mga Binay, hindi
maaninag. Ngayon, kumakatok sa 2016 eleksyon, kakatwa na magtatanong ng problema
gayon hayag na hayag itong kumakalampag sa kinasasakupang munisipalidad.
Si Mar Roxas ang bearer ng Liberal Party. Dedma si Binay sa
mag-anak Aquino. Inaanunsyo niya sa publiko ang pahayag niyang ‘hindi na
masikmura’ ang kabulukan sa ilalim ni Aquino. Dini-detach ang sarili sa anomalya
ng administrasyon. Tumitiwalag kunway malinis.
http://www.cegp.org/wp-content/uploads/2012/09/394258_4273646115971_1244950680_n1.jpg
mula ang sa http://bulatlat.com/main/2015/03/17/20-years-after-flor-contemplacion-filipinos-migrants-suffer-same-exploitative-conditions/
Kunway magtatanong ng problema at hinaing gayon pampersonal
na interes ang adhikain niyang makalikom ng simpatya ng mga botante.
Sa mga tatakbo sa 2016 election, wala sa kanila ang nakita
kong bumisita sa solidarity kay Mary Jane. Wala sa mga narinig ko sa balita ang
nagpursigeng umaksyon sa hanay nila para palayain si Mary Jane.
Sisihan, bantaan, painosenteng aktitud tungo sa lumalalang
krisis lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento