Linggo, Pebrero 14, 2016

Badil - ang itsura ng eleksyon

Eleksyon ang pinakatampok na kasaysayan ng bansa ng paghahalal ng mamumuno sa susunod na anim na taon. Isa nga daw demokartikong bansa ang kumikilala sa right to suffrage. Isang political rights ng citizen ang pumili ng kandidato at maging parte ng parliament process. Pipili ang botante ng kanyang napupusuan na political candidate. Kaya naman ubos na mina-market ng kandidato ang kanyang sarili na halos lahat ng kabutihan, lahat ng kangyang pagpapakitang-tao ay alinsunod sa paradaym ng isang modelong pinuno: Makadyos, makatao, makabayan.

                                
            

        


Tuwing eleksyon, lahat ng mabubuti ipinapakita ng kandito. Sensero silang ayusin ang problema ng Pilipinas sa kanilang campaign ads kahit pa nabanggit na ito ng mga nauna pang nailuklok sa puwesto at wala rin nangyari.

Marumi ang halalan. Sa Pelikula ni Chito Rono, naipakita niya sa bawat character na nagigipit sa kahirapan ang mga tauhan at natutulak silang tanggapin ang anomalya kahit bukas-mata nitong inilalagay sa panganib ang kanilang kinabukasan. Hindi isolated sa isla ng Samar ang ganitong vote-buying. At ang paggamit ng tax ng taumbayan sa mga anomalya ay hindi na rin bago. Habang papalapit ang araw ng botohan, tumataas ang kontradisyon sa mga character. Halimbawa nito si Luding (Yayo Aguila) na bumalimbing kahit pa ang buong pamilya niya ay nakinabang kay Mayor Del Mundo mula sa pagpapaaaral ng anak at pagpapalibing ng namatay na kamag-anak at pagpapatira sa lupa ni Mang Ponso (Dick Israel) na loyal supporter ni Mayor Del Mundo-  ipinagpalit niya ang lahat nang ito sa halagang  sa bente-mil para makabili ng sariling bangka at hindi na gumamit ng dinamita sa pangingisda.

Nabibili ang prinsipyo


Ginagamit ng naghaharing-uri ang kahirapan. Ang anuman pamamaraan nitong akitin ang paniniwala ng botante ay madaling nabibitawan kapag pera na ang katapat. Manipestasyon ng pagbibili ng boto na kagustuhan ng mga burukratiko na panatilihin ang political power nito. Sumusugal sila sa milyon halaga ng campaign ads pagkat alam nilang mababawi naman ito sa kanilang pagkapanalo. Ultimo sa maliliit na pagpapaayos ng kalsada at kanal, kasama sa tarpulin ang mukha nila. Ganito sila ka desperado. Ganito lamang nila nakikitang maeenganyo ang botante. Achievement-based pero bagsak ang kalidad ng pamumuno.

Mabuway ang paniniwala ng kalakhang Pilipino. Nag-uugat ito sa maraming rason na ginagamit na kasangkapan ng reaksyunaryong gobyerno. Ang hindi pagtuturo sa mga botante ng tamang pagsusuri ng pagpili ng kandidato ay siyang dahilan ng pagtanggap niya sa pangmadalian lunas sa dinadanas niyang kagutuman. Maisalba ang isang araw sa pagkagutum ang kanilang short term goal. Kaya mahalaga ang na maging maalam ang botante ng pagiistima at pag-aanalisa ng kandidato batay sa kanilang tinataguyod na platform.


Ang sistema ng naghaharing-uri ay hindi senserong mabigyan ng edukasyon sa tamang pagboto. Paniguradong walang makakapasa. Meron pero tiyak na iilan lang ang mananaig. Inaakit ang botante ng  rhetorical na pangako ng pagbabago. kundi hindi naman mina-mind conditioning ng mahabang panahon ng pangangampanya. Bombarded ng TV ads at iba pang media. Sa kasaysayan ng halalan, madalas panalo ang may kakayahan mag-endorso.

Maikling kasaysayan ng botohan

Ang suffrage movement, isang feminine movement sa British kung saan kagustuhan lumahok ng mga middle class na kababaihan sa eleksyon. 3% lang ng kalalakihan ang may karatapatan bumuto ayon pa ito sa property at kita. Walang representasyon ang mga kababaihan. Apektado sila ng mga batas na hindi nakukunsulta sa kanila. Kumbaga dahil mga kalalakihan lang ang may karapatan bumoto, ang kagustuhan lamang ng kalalakihan ang nirerepsenta ng mga pinuno. Sa Pilipinas nagsagawa ng eleksyon taon 1907, elista ang pamantayan ng pagboto dahil hindi pa hihigit sa 1% ang may karapatan bumoto na pinanukala ng kolonyal na Estados Unidos.                                                    
Bago pa man makaboto, nawalan ng kalayaan ang botante sa pagpili. Una, pagbili ng boto, nadidiktahan ang kanyang freewill na pumili ng malaya batay sa pinaniniwalaan niyang karapat-dapat na na maihalal na susunod na mamumuno. Ikalawa, ang AES machine na maaring mamanipula. Inaasahan niyang sa pagkapanalo ng kanyang kandidato kasabay nito ang pag-asa na matutupad nito ang kanilang mga pangarap.


Spoiler

Nakuha sa pelikula lapses ng eleksyon sa demokratikong bansa. Ipinakita sa unang eksena na madaling yumuyuko ang mga residente ng isla Samar kay Mang Ponso (Dick Israel) bilang simbolismo ng economical power. Mapagsama siya kaakibat ng pagiging magaang sa pagbibigay ng pera kung kaya madaling lumalapit sa kanya mga tao. Pinagmumukhang in-good moral ang vote-buying dahil pinapalabas ng character ni Mang Ponso na ito ay tulong pampinansiya mula kay Mayor Del Mundo.


Naging kasangkapan ng vote-buying ang mga kaugalian ng mga Pilipino tulad ng pagtatanaw ng loob, pakikisama at matampuhin. Dito, binigyan ng libong perang suhol ni Mang Ponso ang isang matanda. Madali agad napawi ang pagtatampo ng matanda kahit noong una ayaw pang tanggapin dahil sa laki ng halaga.


Naospital si Mang Ponso isang araw bago ang botohan. Sinalo ni Lando ang trono ng tatay niya na Tagapagbantay ng supporter ni Mayor Del Mundo.

Na-dinamita, lalagyan ng indelible ink para hindi na makaboto. Ang kalaban ni Mayor Del Mundo na si Canlas ang nagkakalat ng dinamita. Libo-libo ang ipinamamahagi nito on the eve ng eleksyon. Maging si Lani (Mercedes Cabral) nagpanggap na buntis na isa palang lider ng grupong Canlas.
Sa huli, pinatay ang ama ni Jenny ng mga tauhan ni Mayor Del Mundo na si Konsehal Emil (Archie Adamos), pinahinto nila ang bangkang nagdadala ng sampung milyong piso para ipakalat ang dinamita. Hindi na pera ang labanan kungdi dahas. Buhay ang binubuwis ni Lando nang sundan niya ang mga dayo sa kanilang isla nang tinutukan siya ng baril. Buhay na ang inaalay ng mababang uri tulad ni Lando mapakita lamang na ang pamilya niya ang loyal. Sa pag-uusap ni Mang Ponso sa anak na si Lando, ipinapaalahahan niya na may matutunan ito. Ibig sabihin, ipinapasaya na niya sa anak na si Lando ang kanyang tungkulin bilang tauhan ni Mayor Del Mundo at ang utang na loob nila. Kasama sila sa payroll ng munisipyo.


Umabot din naman sa puntong nagdadalawang-isip si Lando sa pagitan ng kanyang ama at sa kanyang kabiyak na si Jen (Nikki Gil). Supporter ni Canlas ang ama ni Jenny. Pinagkaitan na niya ito ng kayang pagsinta matapos mamatay ang kanyang ama.


Na-trap ang mga tauhan rason ng kanilang hindi pagkakaunawaan. Si Del Mundo man o Canlas, isa lamang din itong illusion of choice. Labanan ng tradisyunal na politiko sa lokal. Pagtatalo ng dinastiya upang makopo ang kaban ng bayan, imahe lamang ang nagbabago ang sistema ganun pa rin. Mga band-aid solution lang ang resolution sa kahirapan tulad na lamang ni Luding (yayo) na mahirap pa rin.


Ang eleksyon sa kalagayan nito sa mga demokratiko’t mahirap na bansa ay isa na rin pagkulong sa isang hopeless na sitwasyon. Ipinakita sa pelikula nagiging hopeless na ang taumbayan na tanggapin na lamang ang vote-buying tutal wala rin naman sa mga nailulok ang tumutupad sa kanilang pangako. Pera-pera na lamang ang labanan.




Sineng Pambansa
Film Development Council of the Philippines 
(2013) 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento