Huwebes, Hulyo 30, 2015

kabataan ang pag-asa ng bayan

yung katatapos lang itanong sa'yo kung gina-glamourized lang ng kabataan ang rally, tapos tanaw mo mula sa dulo ng pinakahuling bulto ang winawagayway na bandila ng kabataang estudyante, bagamat minamaliit ang kanilang kapasiyahan batay sa edad, ang mga kabataan ang tagapagmana ng henerasyon kung kayat ang kapasiyahan nilang lumahok sa protesta ay siya na rin kapasiyahan nilang baguhin ang lipunan kanilang mamanahin.

larawan mula sa The Catalyst

para silang mga kabuteng biglang nagsulputan

nagparayang tumakbo sa Presidential election sa ngalan ng kumpadre, least option ng administration, tameme sa Mamasapano clash, kung papalarin manalo, papayag ka na ikaw ang sasalo ng kapalpakan ng Pnoy administration? sobra-sobra pagsang-ayon ay sobra-sobrang pagpapakatuta. hayagang nang hinuhubdan ng pagkatao kebs, nag-uungusan na sa ngala ng status quo.


mula sa http://www.trendingnewsportal.com/2014/08/watch-mar-roxas-traffic-aide-trending.html







http://newsinfo.inquirer.net/709261/palace-confirms-roxas-endorsement-vp-candidate-unnamed

gabi kasama ang tanduay workers

Noong nakaraan gabing pakikipagtalakayan sa mga manggagawa ng Tanduay, ayon sa karanasan nila sa produksyon sa loob ng planta, ang naaksidente habang nasa trabaho ay sinisisi at pinararatangan na 'tanga-tanga'. Ang ilan sa kanila, natalsikan ng bubog sa mata tulad ni Ronnel Marasigan at ang iba naman, naipit ang daliri sa operating machine. Maliban sa 'No work, No pay', ang manggagawa ng Tanduay ang bumibili ng protective gear/vest na ang naglalako rin ay ang management.

Ang pagbabalik ng sisi at pagsasabi ng 'tanga' sa mga mangagawa ay hindi makatao. Sino ba ang bugbog sa trabaho? Sino ang kilos nang kilos? Nire-reverse psychology ang mga mangagawa ng management na tuta ni Lucio Tan para makalusot na i-shoulder ang expenses ng pampapagamot. 'Tong si Lucio Tan kaakibat ang mga tuta niya sa management ay akala mo perpekto na hindi nagkakamali na tila ba exempted silang maaksidente.

Garapal at sagad-sagaran ang ganid sa tubo. Nagpakayaman sa bansang Pilipinas pero walang respekto sa mga Pilipinong manggagawa. May nagkapagsabi, h'wag daw hulihin ang patong nangingitlog ng ginto kungdi mawawalan ng ginto. Mukhang namamaliit ang manggagawa eh nasa kanila nga ang lakas-paggawa.

*Ang TUDLA ang kauna-unahan unyon ng mangagawang kontrakwal.

#TanduayWorkersonStrike #BoycottTanduay#WakasanAngKontraktwalisasyon


Biyernes, Hulyo 10, 2015

Rebolusyonaryong aswang

dahil napanood ko ang old version ng Peter Pan cartoon habang inaantay sumapit ang birthday, nagflashbabk sa'kin ang mga cartoon na kinahiligan ko nu'n bata ako. Si Ida, nakilala sa tagline niyang, “timespace warp, ngayon din!”, na madalas kong ginagaya. Tuwang-tuwa ako sa hinhin niyang magsalita, kahit villain siya, makabuluhan naman ang sinasabi. Dinidiskusyonan niya at ni Fuumu ang monster bago umpisahan ang ritual ng pagbubuo ang monster na kakalabanin ni Shaider.
Stigma na ng monster/halimaw ang masama/villain/pumapatay. Sa Isla ng Panay, minsan nang ginamit ang nosyon ng aswang upang paalisin ang mga colonizer. Si Tenyente Gimo ng Duenas, Iloilo, na pinaniniwalaan kumakain ng liver ng tao ay pinalaganap noong panahon ng hapones. Ang babaylan/healer na lider ng komyunidad na tinawag na 'aswang' ng kastila para sila ay kasuklaman at overthrown bilang lider gayon mapalawak pa ang encomienda at umagaw ng lupang patatayuan ng simbahan. Ang mga babaylan/shaman na ito ay mga aswang na siyang nagrebolusyon laban sa kastila. Sosyo-kultural konsepto ng aswang sa pagtanggol ng soberanya.