Linggo, Abril 17, 2016

An kubo sa kawayanan



Isa lamang sa kaganapan ng pelikula na ang sentro ng ligalig ay sa karakter. Iba naman ang ipinakita sa An Kubo sa Kawayanan na dinirehe ni Alvin Yapan na ang tutok ay sa mga elements tulad ng lata ng ligo, bato, kawayan, gunting at bahay.

Kahibangan ngang maituturing na ang karakter ni Michelle (Mercedes Cabral) ay mainlab sa kanyang bahay, maging mabusisi sa pagngangalaga at mag-aalala. Sukdulan ibigay ang sarili na humantong sa pagtanggi niyang umalis ng bahay kahit makailan beses lumapit sa kanya ang oportunidad ng pangingibang bayan.

Ipinakita ang kahibangan na ito sa ilan eksena tulad ng pagpapaayos niya ng sahig na marupok at ang hagdanan na umiingay kapag si Michelle ang bumababa. Ang kanyang relasyon sa kubo na ituri niyang parang tao malinaw ito sa eksenang nawawalang siya ng gamit. Kung perspektiba ng nomalidad, maituturing baliw ang katauhan ni Michelle na ituring parang tao ang kubo, manghilalang tumutugon ito in accordance sa pangangailangan niya bilang tao.

Pisolohiya ng karakter ang mahibang sa kubo.

Totoo bang malilibugang ang isang biological sa inanimate? sa Freud theory, ang psychoanalogy nito, mistulang natutunan nang mahalin ni Michelle ang kubo sa kagustuhan ayaw niyang lisanin ang lugar dahil nagbibigay ito sa kanya ng garantiya. Nasa porma ng compensation ng karakter ni Michelle ang tumanggi at idivert ang anuman reservations niya sa kubo, lumikha siya ng pag-iisip na ang tanging kubo ang suma-satisfy ng kanyang needs bilang biological creatures kasama nito ang bato, ilog, beetles at kawayan. Nadebelop ang libido ng pagturi niyang parang tao ang kubo. Narsismo ang karakter.

Bumubuo ng conflict ang personalidad ni Michelle (Cabral) laban sa interes ng kanyang karelasyon sa katauhan ni Marc Felix. Nasa stage ng anxiety si Michelle nang tanungin siyang ng paglilipat tulad din ng mga sitwasyon ng diasporang nangangamba sa paglisan.

Neohumanist ang approach ng pelikula. Ugnayan ng human beings sa inanimate creatures. Si Michelle sa agos ng ilog, sa pagaspas ng dahon ng puno at kawayan at pakikipagtalik. Ipinapakitang mayroon dinamismo sa pagitan ng ecology sa tao. Ang dahon, hindi na lamang nagiging simpleng dahon nang ito’y sumiping isang gabi kay Michelle. Binubuhay nito ang character ni Michelle at hindi na lamang ito simpleng palamuti sa eksena.


Ang kabuuan ng pelikula ay  tungkol sa imigrasyon. Ang kagustuhan manatili sa panahong nag-aalisan ang tao upang tuparin ang kanilang pangarap. 

Linggo, Pebrero 14, 2016

Badil - ang itsura ng eleksyon

Eleksyon ang pinakatampok na kasaysayan ng bansa ng paghahalal ng mamumuno sa susunod na anim na taon. Isa nga daw demokartikong bansa ang kumikilala sa right to suffrage. Isang political rights ng citizen ang pumili ng kandidato at maging parte ng parliament process. Pipili ang botante ng kanyang napupusuan na political candidate. Kaya naman ubos na mina-market ng kandidato ang kanyang sarili na halos lahat ng kabutihan, lahat ng kangyang pagpapakitang-tao ay alinsunod sa paradaym ng isang modelong pinuno: Makadyos, makatao, makabayan.

                                
            

        


Tuwing eleksyon, lahat ng mabubuti ipinapakita ng kandito. Sensero silang ayusin ang problema ng Pilipinas sa kanilang campaign ads kahit pa nabanggit na ito ng mga nauna pang nailuklok sa puwesto at wala rin nangyari.

Marumi ang halalan. Sa Pelikula ni Chito Rono, naipakita niya sa bawat character na nagigipit sa kahirapan ang mga tauhan at natutulak silang tanggapin ang anomalya kahit bukas-mata nitong inilalagay sa panganib ang kanilang kinabukasan. Hindi isolated sa isla ng Samar ang ganitong vote-buying. At ang paggamit ng tax ng taumbayan sa mga anomalya ay hindi na rin bago. Habang papalapit ang araw ng botohan, tumataas ang kontradisyon sa mga character. Halimbawa nito si Luding (Yayo Aguila) na bumalimbing kahit pa ang buong pamilya niya ay nakinabang kay Mayor Del Mundo mula sa pagpapaaaral ng anak at pagpapalibing ng namatay na kamag-anak at pagpapatira sa lupa ni Mang Ponso (Dick Israel) na loyal supporter ni Mayor Del Mundo-  ipinagpalit niya ang lahat nang ito sa halagang  sa bente-mil para makabili ng sariling bangka at hindi na gumamit ng dinamita sa pangingisda.

Nabibili ang prinsipyo


Ginagamit ng naghaharing-uri ang kahirapan. Ang anuman pamamaraan nitong akitin ang paniniwala ng botante ay madaling nabibitawan kapag pera na ang katapat. Manipestasyon ng pagbibili ng boto na kagustuhan ng mga burukratiko na panatilihin ang political power nito. Sumusugal sila sa milyon halaga ng campaign ads pagkat alam nilang mababawi naman ito sa kanilang pagkapanalo. Ultimo sa maliliit na pagpapaayos ng kalsada at kanal, kasama sa tarpulin ang mukha nila. Ganito sila ka desperado. Ganito lamang nila nakikitang maeenganyo ang botante. Achievement-based pero bagsak ang kalidad ng pamumuno.

Mabuway ang paniniwala ng kalakhang Pilipino. Nag-uugat ito sa maraming rason na ginagamit na kasangkapan ng reaksyunaryong gobyerno. Ang hindi pagtuturo sa mga botante ng tamang pagsusuri ng pagpili ng kandidato ay siyang dahilan ng pagtanggap niya sa pangmadalian lunas sa dinadanas niyang kagutuman. Maisalba ang isang araw sa pagkagutum ang kanilang short term goal. Kaya mahalaga ang na maging maalam ang botante ng pagiistima at pag-aanalisa ng kandidato batay sa kanilang tinataguyod na platform.


Ang sistema ng naghaharing-uri ay hindi senserong mabigyan ng edukasyon sa tamang pagboto. Paniguradong walang makakapasa. Meron pero tiyak na iilan lang ang mananaig. Inaakit ang botante ng  rhetorical na pangako ng pagbabago. kundi hindi naman mina-mind conditioning ng mahabang panahon ng pangangampanya. Bombarded ng TV ads at iba pang media. Sa kasaysayan ng halalan, madalas panalo ang may kakayahan mag-endorso.

Maikling kasaysayan ng botohan

Ang suffrage movement, isang feminine movement sa British kung saan kagustuhan lumahok ng mga middle class na kababaihan sa eleksyon. 3% lang ng kalalakihan ang may karatapatan bumuto ayon pa ito sa property at kita. Walang representasyon ang mga kababaihan. Apektado sila ng mga batas na hindi nakukunsulta sa kanila. Kumbaga dahil mga kalalakihan lang ang may karapatan bumoto, ang kagustuhan lamang ng kalalakihan ang nirerepsenta ng mga pinuno. Sa Pilipinas nagsagawa ng eleksyon taon 1907, elista ang pamantayan ng pagboto dahil hindi pa hihigit sa 1% ang may karapatan bumoto na pinanukala ng kolonyal na Estados Unidos.                                                    
Bago pa man makaboto, nawalan ng kalayaan ang botante sa pagpili. Una, pagbili ng boto, nadidiktahan ang kanyang freewill na pumili ng malaya batay sa pinaniniwalaan niyang karapat-dapat na na maihalal na susunod na mamumuno. Ikalawa, ang AES machine na maaring mamanipula. Inaasahan niyang sa pagkapanalo ng kanyang kandidato kasabay nito ang pag-asa na matutupad nito ang kanilang mga pangarap.


Spoiler

Nakuha sa pelikula lapses ng eleksyon sa demokratikong bansa. Ipinakita sa unang eksena na madaling yumuyuko ang mga residente ng isla Samar kay Mang Ponso (Dick Israel) bilang simbolismo ng economical power. Mapagsama siya kaakibat ng pagiging magaang sa pagbibigay ng pera kung kaya madaling lumalapit sa kanya mga tao. Pinagmumukhang in-good moral ang vote-buying dahil pinapalabas ng character ni Mang Ponso na ito ay tulong pampinansiya mula kay Mayor Del Mundo.


Naging kasangkapan ng vote-buying ang mga kaugalian ng mga Pilipino tulad ng pagtatanaw ng loob, pakikisama at matampuhin. Dito, binigyan ng libong perang suhol ni Mang Ponso ang isang matanda. Madali agad napawi ang pagtatampo ng matanda kahit noong una ayaw pang tanggapin dahil sa laki ng halaga.


Naospital si Mang Ponso isang araw bago ang botohan. Sinalo ni Lando ang trono ng tatay niya na Tagapagbantay ng supporter ni Mayor Del Mundo.

Na-dinamita, lalagyan ng indelible ink para hindi na makaboto. Ang kalaban ni Mayor Del Mundo na si Canlas ang nagkakalat ng dinamita. Libo-libo ang ipinamamahagi nito on the eve ng eleksyon. Maging si Lani (Mercedes Cabral) nagpanggap na buntis na isa palang lider ng grupong Canlas.
Sa huli, pinatay ang ama ni Jenny ng mga tauhan ni Mayor Del Mundo na si Konsehal Emil (Archie Adamos), pinahinto nila ang bangkang nagdadala ng sampung milyong piso para ipakalat ang dinamita. Hindi na pera ang labanan kungdi dahas. Buhay ang binubuwis ni Lando nang sundan niya ang mga dayo sa kanilang isla nang tinutukan siya ng baril. Buhay na ang inaalay ng mababang uri tulad ni Lando mapakita lamang na ang pamilya niya ang loyal. Sa pag-uusap ni Mang Ponso sa anak na si Lando, ipinapaalahahan niya na may matutunan ito. Ibig sabihin, ipinapasaya na niya sa anak na si Lando ang kanyang tungkulin bilang tauhan ni Mayor Del Mundo at ang utang na loob nila. Kasama sila sa payroll ng munisipyo.


Umabot din naman sa puntong nagdadalawang-isip si Lando sa pagitan ng kanyang ama at sa kanyang kabiyak na si Jen (Nikki Gil). Supporter ni Canlas ang ama ni Jenny. Pinagkaitan na niya ito ng kayang pagsinta matapos mamatay ang kanyang ama.


Na-trap ang mga tauhan rason ng kanilang hindi pagkakaunawaan. Si Del Mundo man o Canlas, isa lamang din itong illusion of choice. Labanan ng tradisyunal na politiko sa lokal. Pagtatalo ng dinastiya upang makopo ang kaban ng bayan, imahe lamang ang nagbabago ang sistema ganun pa rin. Mga band-aid solution lang ang resolution sa kahirapan tulad na lamang ni Luding (yayo) na mahirap pa rin.


Ang eleksyon sa kalagayan nito sa mga demokratiko’t mahirap na bansa ay isa na rin pagkulong sa isang hopeless na sitwasyon. Ipinakita sa pelikula nagiging hopeless na ang taumbayan na tanggapin na lamang ang vote-buying tutal wala rin naman sa mga nailulok ang tumutupad sa kanilang pangako. Pera-pera na lamang ang labanan.




Sineng Pambansa
Film Development Council of the Philippines 
(2013) 


Biyernes, Enero 15, 2016

kapag nagalit ang mga Manang

Isang beses na tumambay sa tapat ng bahay namin ang mga Manang, pinag-uusapan nila ang kalusugan: gamot, hospital at sakit. Sabi ng isang Manang, iboboto raw niya si Neri Colmenares dahil siya lang ang nakaisip magpasa ng batas na dagdagan ang pension. Maliit lang ang 3k na tinatanggap niya sa isang buwan, sa gamot pa lang kulang na. At nahihiya na rin siyang humingi pa sa mga anak na may kanya-kanya nang pamilya. Sinabi pa niyang walang kwenta ang pamumuno ni Pnoy at sawa na siya.

Malapit sa mga senior citizen ang kandidatong alam ang kanilang pangangailangan lalo't nasa panahon na silang unti-unting humihinina ang pangangatawan, bulnerable sa kumplikasyon ng sakit at hindi uubrang kumayod pa. During senior age o mas maaga pa, nag-uumpisa ang deterioration ng health. Sa edad na yan, lumalabas ang iba't-ibang sakit na maaring nakuha nila noong kabataan nila (i.e sobrang trabaho, kondisyon sa working place na nagresulta sa ganitong sakit, asthma/hika halimbawa). Ang elderly population ay vulnerable population kaya nga dapat mas lalo silang pinagtutuunan ng pangangalaga. Kahit kailanman hindi ito mapagtatanto ni Noynoy lalo na't ang pamilyang niya ay madaling nakakapaglabas ng pinansya para sa kanilang kalusugan, lalo sa mga panahon emergency. Sa estado niya, kahit kailan hindi sila mangangamba dapuan man sila ng malalang sakit.

mula ang larawan sa anakbayan FB  page
(https://www.facebook.com/anakbayanphils/photos/a.196894503659321.57811.193483107333794/1248021601879934/?type=3&theater)

Sabado, Enero 2, 2016

ang butch sa pyudal na lipunan


Istiryotipo sa isang butch na lesbian ang ikumpara ang kalakasan at skills niya sa isang lalaki. Magbigay daan sa isang straight na babae o yung tipong may kasama kang 'girlaloo', chicha mo s'ya.


Sa kinasamaan palad, magulo ang oryentasyon ng kategorasyon ng kasarian na binuo ng bulok na lipunan. Mahuhulog ka sa expectation ng mga taong ang oryentasyon ng normalidad ay nakaangla sa kumbensyunal o heteroseksismo. Ika nga eh masculine culture na submissive ang kababaihan sa kalalakihan. Kinukulong sa machong kaisipan na igaya ang sarili sa kilos at pananalita ng lalaki. Kung iba ang gawi mo sa linya ng 'boys' ay confuse ang ipaparatang sayo. Arbitraryo ang social conditioning. Sa konteksto ng socio-cultural, lalo pa itong pinapalala ng aparato ng estado.


Bumababa ang pagtingin sa mga butch dahil hindi nagagampanan ang biological role niyang 'to produce offspring' bilang ang pamilya ay basic unit of society. Patas sa pagtingin na hindi niyang kayang pantayan ang lalaki sa palagay na babae pa rin siya. Nalilimitahan ang potensyal at freewill niya ng mga ganitong salik.


Bago pa man umusbong ang pribadong pagmamay-ari, kaagapay naman ang kababaihan sa kolektibong produksyon. Napapahalagahan ang partisipasyon niya sa produksyon.
Sa ganitong sadlak sa kahirapan, gagawin mo ang lahat kahit labag sa loob. Paano nga naman kung butch ka pero kelangan mong kumita ng pera. No choice kang magpalda para maka-apply sa mga disenteng trabaho.


Enehaw, ang gusto ko lang sabihin eh kumportable akong natutulog na naka boxershort at kayakap ang manika sa gabi. At ayaw kong itakwil ang ilan feminine side ko dahil lang one-sided ang pagtanaw sa kasarian.



mula ang larawan sa https://www.pinterest.com/pin/553309504194055636/

Huwebes, Setyembre 10, 2015

top 17 movie list

1) Schindler's List ( Stephen Spielberg, 1994)

mula ang larawan sa  http://www.gstatic.com/tv/thumb/dvdboxart/15227/p15227_d_v7_aa.jpg


2) marat/Sade ( Peter Weiss, 1967)

mula ang larawan sa https://en.wikipedia.org/wiki/Marat/Sade



3) Insiang (Lino Brocka, 1976)

mula ang larawan sa https://indieeast.wordpress.com/2010/06/18/163/


4) manila sa kuko ng liwanag


mula ang lrawan sa (https://www.facebook.com/photo.php?fbid=971111046296021&set=a.116061455134322.19025.100001914046401&type=3&theater)

5) the shining
(http://news.yahoo.com/shining-hotel-hopes-become-horror-museum-055328740.html)


6) inception


(mula sa larawan http://www.imdb.com/title/tt1375666/)


7) kungfu panda


(mula ang larawan sa https://en.wikipedia.org/wiki/Kung_Fu_Panda)


8) fingersmith


mula sa larawan (http://themaidenscourt.blogspot.com/2010/03/movie-review-fingersmith.html)


9) city of angels


(mula sa larawan http://images.moviepostershop.com//city-of-angels-movie-poster-1020491668.jpg)


10) kill bill

(mula sa larawan http://deadseriousness.com/midnight-conversation-kill-bill/)


11) soong sister


(mula sa larawan http://junglekey.cn/search.php?query=the+soong+sisters+(soundtrack)&type=image&lang=zh&region=cn&img=1&adv=1)

12) gone with the wind


(mula sa larawan http://www.rottentomatoes.com/m/gone_with_the_wind/)


13) perfume



(https://en.wikipedia.org/wiki/Perfume:_The_Story_of_a_Murderer_(film))

14) resident evil

(http://residentevil.wikia.com/wiki/Category:Resident_Evil_(film)_characters)

15) 2046


(mula ang larawan sa https://en.wikipedia.org/wiki/2046_(film)



16) in the time of butterfies


(mula sa larawan https://en.wikipedia.org/wiki/In_the_Time_of_the_Butterflies_(film))


17) the great gatsby


(mula sa larawan http://www.rottentomatoes.com/m/the_great_gatsby_2013/)

Sabado, Agosto 1, 2015

BALIKBAYAN BOX


        Ang hindi masabi ng chocolate, rubber shoes at mga pasalubong sa loob ng balikbayan box sa     hirap ng OFW tulad ni Mary Jane Veloso at Flor Contemplacion


April 26, apat araw na lamang ang nalalabi noong bibitayin na si Mary Jane, nasa harapan kami ng Embaha ng Indonesia upang makiisa sa solidarity night habang nagaganap ang negoyasyon sa pagitan ng Makati police at ni Gabriella Representative na si Ginang Emie De Jesus.
Pinapaalis kami sa ilan kadahilanan: Una, nagdudulot kami ng trapik kahit ang kabilang lane ng kalsada ay hindi okupado at ang ilan sa mga supporters ay tumutulong sa pagpapadaloy ng traffic; ikalawa, maingay daw kami at distruction sa mga natutulog kahit nagtatayugan at air-conditioned ang kalakhan sa katabing establishment ng embaha; pangatlo, walang permit kahit mayroon ngunit hindi pinirmahan ng respective police officer ng Makati; at ang pinakahuli, nanganganib ang pader ng embaha nang dahil sa’min, bawal ito madikitan kahit hindi okupado ang passers-by lane ng embaha at ang nakatambay rito ay siyang kapulisan rin naman ng Makati.

“Walang dispersal”, sumangayon ang superintendent ng Makati police.

Dumating ang mga tao upang sumuporta mula pa sa malalayong lugar katunayan iyan ng ilan foreigners na dumalo sa ilan gabi ng solidarity.

Ngunit bumalik ang kapulisan bitbit ang truncheons at yantok. Hindi nagpatinag ang mga supporter, hinarap at sumalubong sa kapulisan, bakit nga naman hindi, sino pa ang matatakot sa dahas na kinukubkob ang bawat isa sa amin ng galit. Nagagalit kami pagkat ang pagpapaalis nila sa’min ay nagpapakita lamang ng kawalan simpatya sa kapwa kababayan. Nagagalit kami pagkat mapayapa kaming naglulunsad ng protesta ay para kaming kinukulong sa takot, na anuman oras, ihahambalos sa amin ang truncheon, ipupukpok sa ulo naming ang yantok. Nagagalit kami pagkat nasa embahada silang kapulisan hindi upang sumuporta sa panawagan kay Mary Jane kundi upang ipagtanggol ang dayuhan.

Hindi ko mawari kung bakit napakahirap ipaintindi sa kapulisan ng Makati ang sitwasyon ng kababayan natin na si Mary Jane na siya ay ang bibitayin na biktima lamang ng international drug syndicate at natulak mangibang bansa dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa natin, na kung sila mismong naghahanap-buhay at citizen ay mulat na mulat sa ganitong sitwasyon sa Pilipinas.

Sumunod na gabi, ilan truck ng kapulisan ang dumating na aakalain mong nagdeklara si Poncio Pilato ng digmaan sa harap ng embaha. At kami? Kung maari lamang pahabain pa ang nalalabing oras. 

(Insert picture form instagram) 


Mula sa http://thepinoysite.com/2013/12/04/si-binay-ang-magiging-pangulo-sa-2016/



Ang hindi masabi ng chocolate bar tungkol sa labor export policy


Sa pakikinig ko sa Migrante International at National Union of Philippine Lawyer (NUPL), ito ang aking napagalaman sa labor-export policy

 1) Nang maipatupad ang labor export policy dumami ang overseas workers, pangapat ang Pilipinas         sa exporting countries

2)  Aabot ng 1 milyon ang lumalabas ng bansa kada taon o 5, 031 kada araw ng taong 2013 sa tala             ng Ibon Foundation.

3)  Nasa 13 milyon-15 milyon ang  OFW

4) Ipinatupad ang labor export policy noong panahon ni Marcos, ang ilan sa layunin: upang                     makahabol ang peso sa dolyar sa pamamagitan ng remittances.

5)  Walang  proteksyon ang overseas workers sa labor-export policy. Hayag nitong ibinebenta ang            lakas-paggawa ng mangagawang Pilipino sa murang halaga.

6) Maaring maging biktima ng iligal na kontrata, human trafficking at execution

Nangangatulong ang galing sa probinsya sa Manila o urban ng probinsya. Ang ilan pa nga sa kanila, nakapagtapos ng kolehiyo o pagmamay-ari ng maliit na lupang sakahan. Kung hindi man inagawan ng lupang sakahan, hirap tanggapin sa trabaho dahil hindi kilala ang pamantasan. Ang kababayan natin, nangangatulong sa ibang bansa sa kabila ng banta ng mamaltrato. Binitay si Flor Contemplacion, nasa isipan pa rin ng kalakhan ang mangibang-bansa. First quarter ng taon 1995, gumigising kami ng maaga ang laman ng balita, ang pagbitay kay Flor Contemplacion. Sampung-taon pa lang ako noon, pero tatandang-tanda ko ang ugong ng pangamba sa loob ng bahay. Halos lahat ng kamag-anak naming ay OCW. Dekada 90’s nang dumadami ang migrant workers. Karamihan sa kapitbahay namin ay sunod-sunod nang kumukuha ng passport. Ngunit ang paniniwala sa kapalaran ang siyang nagbubura sa isipan nila sa sinapit ni Flor Contemplacion.

Taong 2004 ng magtapos ako sa sekondarya, kasagsagan ng in-demand ng kursong BS-Nursing noong pinatampok sa midya ang oportunidad ng trabaho at mataas na sahod. Karamihan sa miyembro ng mag-anak ay health care workers, forensic nursing or Nurse Corps ang field na gusto kong pasukan na in-demand sa bansang Middle East sa kahilanan kakaunti lamang ang tumataya ng serbisyo sa giyera. May naging kaklase ako na nanay na at pinag-aaral ng asawang OFW, second-courser na kaklaseng may working experience na ngunit taon ang inilabi sa kumpanya ay minimum-wage pa rin ang sinasahod. Mga doctor na kumuha ng kursong nursing. Dumating sa puntong oversupply ang nurses na halos hindi na sumapat sa bilang ng hospital para sa mga practicuum at minimum 2 years of working experience na rekisito.  Ang mga napag-iwanan ng booming healthcare industry na ito ay sa call-center  nakahanap ng kanlungan.

Nitong nakaraan taon, nabalitaan ko na lang sa dati kong pamantasan na aabot na lamang sa isang class ang magsisipagtapos ng nursing. At dating kong clinical instructors, bumalik sa practice. Bumagsak ang in demand, hindi natuloy ang dagdag na isang taon. Inconsistent ang demand sa graduates. Tumahimik ang  dominant media. May diperensiya ang ekonomiya. Tao ang ini-import. Kinakalakal. 



Ang hindi masabi ng rubber shoes sa darating na eleksyon at ang epekto nito sa OFW

Kandidato sa Presidente si Vice President Binay sa darating na 2016 election. Nabasa ko sa facebook page niya ang pagso-solicit ng sentiyemto tungkol sa  kinakaharap na problema ng bawat Pilipino. Gawi ng mga kandidato ang magtanong ng problema na para bang bagong usbong lang ang mga ito, na para bang hindi pa nila naharap ang ganitong uri ng problema noong naluklok sila sa puwesto. Mag-uumpisa sa pangako na tutulungan, at kapag hindi nagawan ng paraan, iiwanan sa ere. Ibabalik ang sisi sa masa. Katunayan ito sa naging kaso ni Mary Jane at marami pang Pilipinong sinisisi na para bang pinili nila para sa sarili nila ang karukhaan na siya rin naman kinasusuklaman ng burukratang opisyales.

Kapag napapanood ko ang advertisement ni Vice President Jejomar Binay, bumabalik sa alaala ko ang pagmamalupit ng kapulisan ng Makati. Kasagsagan ng pangagampanya kay Mary Jane, ‘ni anino niya ng mga Binay, hindi maaninag. Ngayon, kumakatok sa 2016 eleksyon, kakatwa na magtatanong ng problema gayon hayag na hayag itong kumakalampag sa kinasasakupang munisipalidad.
Si Mar Roxas ang bearer ng Liberal Party. Dedma si Binay sa mag-anak Aquino. Inaanunsyo niya sa publiko ang pahayag niyang ‘hindi na masikmura’ ang kabulukan sa ilalim ni Aquino. Dini-detach ang sarili sa anomalya ng administrasyon. Tumitiwalag kunway malinis. 

http://www.cegp.org/wp-content/uploads/2012/09/394258_4273646115971_1244950680_n1.jpg


mula ang sa http://bulatlat.com/main/2015/03/17/20-years-after-flor-contemplacion-filipinos-migrants-suffer-same-exploitative-conditions/


Kunway magtatanong ng problema at hinaing gayon pampersonal na interes ang adhikain niyang makalikom ng simpatya ng mga botante.

Sa mga tatakbo sa 2016 election, wala sa kanila ang nakita kong bumisita sa solidarity kay Mary Jane. Wala sa mga narinig ko sa balita ang nagpursigeng umaksyon sa hanay nila para palayain si Mary Jane.

Sisihan, bantaan, painosenteng aktitud tungo sa lumalalang krisis lipunan.




Huwebes, Hulyo 30, 2015

kabataan ang pag-asa ng bayan

yung katatapos lang itanong sa'yo kung gina-glamourized lang ng kabataan ang rally, tapos tanaw mo mula sa dulo ng pinakahuling bulto ang winawagayway na bandila ng kabataang estudyante, bagamat minamaliit ang kanilang kapasiyahan batay sa edad, ang mga kabataan ang tagapagmana ng henerasyon kung kayat ang kapasiyahan nilang lumahok sa protesta ay siya na rin kapasiyahan nilang baguhin ang lipunan kanilang mamanahin.

larawan mula sa The Catalyst

para silang mga kabuteng biglang nagsulputan

nagparayang tumakbo sa Presidential election sa ngalan ng kumpadre, least option ng administration, tameme sa Mamasapano clash, kung papalarin manalo, papayag ka na ikaw ang sasalo ng kapalpakan ng Pnoy administration? sobra-sobra pagsang-ayon ay sobra-sobrang pagpapakatuta. hayagang nang hinuhubdan ng pagkatao kebs, nag-uungusan na sa ngala ng status quo.


mula sa http://www.trendingnewsportal.com/2014/08/watch-mar-roxas-traffic-aide-trending.html







http://newsinfo.inquirer.net/709261/palace-confirms-roxas-endorsement-vp-candidate-unnamed

gabi kasama ang tanduay workers

Noong nakaraan gabing pakikipagtalakayan sa mga manggagawa ng Tanduay, ayon sa karanasan nila sa produksyon sa loob ng planta, ang naaksidente habang nasa trabaho ay sinisisi at pinararatangan na 'tanga-tanga'. Ang ilan sa kanila, natalsikan ng bubog sa mata tulad ni Ronnel Marasigan at ang iba naman, naipit ang daliri sa operating machine. Maliban sa 'No work, No pay', ang manggagawa ng Tanduay ang bumibili ng protective gear/vest na ang naglalako rin ay ang management.

Ang pagbabalik ng sisi at pagsasabi ng 'tanga' sa mga mangagawa ay hindi makatao. Sino ba ang bugbog sa trabaho? Sino ang kilos nang kilos? Nire-reverse psychology ang mga mangagawa ng management na tuta ni Lucio Tan para makalusot na i-shoulder ang expenses ng pampapagamot. 'Tong si Lucio Tan kaakibat ang mga tuta niya sa management ay akala mo perpekto na hindi nagkakamali na tila ba exempted silang maaksidente.

Garapal at sagad-sagaran ang ganid sa tubo. Nagpakayaman sa bansang Pilipinas pero walang respekto sa mga Pilipinong manggagawa. May nagkapagsabi, h'wag daw hulihin ang patong nangingitlog ng ginto kungdi mawawalan ng ginto. Mukhang namamaliit ang manggagawa eh nasa kanila nga ang lakas-paggawa.

*Ang TUDLA ang kauna-unahan unyon ng mangagawang kontrakwal.

#TanduayWorkersonStrike #BoycottTanduay#WakasanAngKontraktwalisasyon