Lunes, Agosto 26, 2013

eksersayds

       - Teri Malicot
Patuloy kong kinakapa ang hustong pagsisimula,
ang pagtatanda sa mga bakas ng pinagdaanan at
ang wastong pag-iingat, sinikap kong hasahin ang
bawat hakbangin, na pagkat nadama, maiiwasan
mahagip ang bahagi na mahina. Naparoon-parito
ang bukas upang ipaalala na pansamantala lamang
ang kinikimkim na alalahanin, napaparam ang antak
ng pagsisisi. Sukat ang mga gawi sa pag-aakalang
magbabalik ito ng katapusan ng dahas. Matimpi ang
pagtalima sa gabay ng mga alintuntunin ng maingat
na pakikitungo upang malaman na sa huli'y napako
ang sarili sa kamalayan na maaako't maako ang

pagkakamali sa isang tumpik ng tukso ng damdamin. 


*Kuya Toto's Boarding House
August 26, 2013

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento