Huwebes, Setyembre 10, 2015

top 17 movie list

1) Schindler's List ( Stephen Spielberg, 1994)

mula ang larawan sa  http://www.gstatic.com/tv/thumb/dvdboxart/15227/p15227_d_v7_aa.jpg


2) marat/Sade ( Peter Weiss, 1967)

mula ang larawan sa https://en.wikipedia.org/wiki/Marat/Sade



3) Insiang (Lino Brocka, 1976)

mula ang larawan sa https://indieeast.wordpress.com/2010/06/18/163/


4) manila sa kuko ng liwanag


mula ang lrawan sa (https://www.facebook.com/photo.php?fbid=971111046296021&set=a.116061455134322.19025.100001914046401&type=3&theater)

5) the shining
(http://news.yahoo.com/shining-hotel-hopes-become-horror-museum-055328740.html)


6) inception


(mula sa larawan http://www.imdb.com/title/tt1375666/)


7) kungfu panda


(mula ang larawan sa https://en.wikipedia.org/wiki/Kung_Fu_Panda)


8) fingersmith


mula sa larawan (http://themaidenscourt.blogspot.com/2010/03/movie-review-fingersmith.html)


9) city of angels


(mula sa larawan http://images.moviepostershop.com//city-of-angels-movie-poster-1020491668.jpg)


10) kill bill

(mula sa larawan http://deadseriousness.com/midnight-conversation-kill-bill/)


11) soong sister


(mula sa larawan http://junglekey.cn/search.php?query=the+soong+sisters+(soundtrack)&type=image&lang=zh&region=cn&img=1&adv=1)

12) gone with the wind


(mula sa larawan http://www.rottentomatoes.com/m/gone_with_the_wind/)


13) perfume



(https://en.wikipedia.org/wiki/Perfume:_The_Story_of_a_Murderer_(film))

14) resident evil

(http://residentevil.wikia.com/wiki/Category:Resident_Evil_(film)_characters)

15) 2046


(mula ang larawan sa https://en.wikipedia.org/wiki/2046_(film)



16) in the time of butterfies


(mula sa larawan https://en.wikipedia.org/wiki/In_the_Time_of_the_Butterflies_(film))


17) the great gatsby


(mula sa larawan http://www.rottentomatoes.com/m/the_great_gatsby_2013/)

Sabado, Agosto 1, 2015

BALIKBAYAN BOX


        Ang hindi masabi ng chocolate, rubber shoes at mga pasalubong sa loob ng balikbayan box sa     hirap ng OFW tulad ni Mary Jane Veloso at Flor Contemplacion


April 26, apat araw na lamang ang nalalabi noong bibitayin na si Mary Jane, nasa harapan kami ng Embaha ng Indonesia upang makiisa sa solidarity night habang nagaganap ang negoyasyon sa pagitan ng Makati police at ni Gabriella Representative na si Ginang Emie De Jesus.
Pinapaalis kami sa ilan kadahilanan: Una, nagdudulot kami ng trapik kahit ang kabilang lane ng kalsada ay hindi okupado at ang ilan sa mga supporters ay tumutulong sa pagpapadaloy ng traffic; ikalawa, maingay daw kami at distruction sa mga natutulog kahit nagtatayugan at air-conditioned ang kalakhan sa katabing establishment ng embaha; pangatlo, walang permit kahit mayroon ngunit hindi pinirmahan ng respective police officer ng Makati; at ang pinakahuli, nanganganib ang pader ng embaha nang dahil sa’min, bawal ito madikitan kahit hindi okupado ang passers-by lane ng embaha at ang nakatambay rito ay siyang kapulisan rin naman ng Makati.

“Walang dispersal”, sumangayon ang superintendent ng Makati police.

Dumating ang mga tao upang sumuporta mula pa sa malalayong lugar katunayan iyan ng ilan foreigners na dumalo sa ilan gabi ng solidarity.

Ngunit bumalik ang kapulisan bitbit ang truncheons at yantok. Hindi nagpatinag ang mga supporter, hinarap at sumalubong sa kapulisan, bakit nga naman hindi, sino pa ang matatakot sa dahas na kinukubkob ang bawat isa sa amin ng galit. Nagagalit kami pagkat ang pagpapaalis nila sa’min ay nagpapakita lamang ng kawalan simpatya sa kapwa kababayan. Nagagalit kami pagkat mapayapa kaming naglulunsad ng protesta ay para kaming kinukulong sa takot, na anuman oras, ihahambalos sa amin ang truncheon, ipupukpok sa ulo naming ang yantok. Nagagalit kami pagkat nasa embahada silang kapulisan hindi upang sumuporta sa panawagan kay Mary Jane kundi upang ipagtanggol ang dayuhan.

Hindi ko mawari kung bakit napakahirap ipaintindi sa kapulisan ng Makati ang sitwasyon ng kababayan natin na si Mary Jane na siya ay ang bibitayin na biktima lamang ng international drug syndicate at natulak mangibang bansa dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa natin, na kung sila mismong naghahanap-buhay at citizen ay mulat na mulat sa ganitong sitwasyon sa Pilipinas.

Sumunod na gabi, ilan truck ng kapulisan ang dumating na aakalain mong nagdeklara si Poncio Pilato ng digmaan sa harap ng embaha. At kami? Kung maari lamang pahabain pa ang nalalabing oras. 

(Insert picture form instagram) 


Mula sa http://thepinoysite.com/2013/12/04/si-binay-ang-magiging-pangulo-sa-2016/



Ang hindi masabi ng chocolate bar tungkol sa labor export policy


Sa pakikinig ko sa Migrante International at National Union of Philippine Lawyer (NUPL), ito ang aking napagalaman sa labor-export policy

 1) Nang maipatupad ang labor export policy dumami ang overseas workers, pangapat ang Pilipinas         sa exporting countries

2)  Aabot ng 1 milyon ang lumalabas ng bansa kada taon o 5, 031 kada araw ng taong 2013 sa tala             ng Ibon Foundation.

3)  Nasa 13 milyon-15 milyon ang  OFW

4) Ipinatupad ang labor export policy noong panahon ni Marcos, ang ilan sa layunin: upang                     makahabol ang peso sa dolyar sa pamamagitan ng remittances.

5)  Walang  proteksyon ang overseas workers sa labor-export policy. Hayag nitong ibinebenta ang            lakas-paggawa ng mangagawang Pilipino sa murang halaga.

6) Maaring maging biktima ng iligal na kontrata, human trafficking at execution

Nangangatulong ang galing sa probinsya sa Manila o urban ng probinsya. Ang ilan pa nga sa kanila, nakapagtapos ng kolehiyo o pagmamay-ari ng maliit na lupang sakahan. Kung hindi man inagawan ng lupang sakahan, hirap tanggapin sa trabaho dahil hindi kilala ang pamantasan. Ang kababayan natin, nangangatulong sa ibang bansa sa kabila ng banta ng mamaltrato. Binitay si Flor Contemplacion, nasa isipan pa rin ng kalakhan ang mangibang-bansa. First quarter ng taon 1995, gumigising kami ng maaga ang laman ng balita, ang pagbitay kay Flor Contemplacion. Sampung-taon pa lang ako noon, pero tatandang-tanda ko ang ugong ng pangamba sa loob ng bahay. Halos lahat ng kamag-anak naming ay OCW. Dekada 90’s nang dumadami ang migrant workers. Karamihan sa kapitbahay namin ay sunod-sunod nang kumukuha ng passport. Ngunit ang paniniwala sa kapalaran ang siyang nagbubura sa isipan nila sa sinapit ni Flor Contemplacion.

Taong 2004 ng magtapos ako sa sekondarya, kasagsagan ng in-demand ng kursong BS-Nursing noong pinatampok sa midya ang oportunidad ng trabaho at mataas na sahod. Karamihan sa miyembro ng mag-anak ay health care workers, forensic nursing or Nurse Corps ang field na gusto kong pasukan na in-demand sa bansang Middle East sa kahilanan kakaunti lamang ang tumataya ng serbisyo sa giyera. May naging kaklase ako na nanay na at pinag-aaral ng asawang OFW, second-courser na kaklaseng may working experience na ngunit taon ang inilabi sa kumpanya ay minimum-wage pa rin ang sinasahod. Mga doctor na kumuha ng kursong nursing. Dumating sa puntong oversupply ang nurses na halos hindi na sumapat sa bilang ng hospital para sa mga practicuum at minimum 2 years of working experience na rekisito.  Ang mga napag-iwanan ng booming healthcare industry na ito ay sa call-center  nakahanap ng kanlungan.

Nitong nakaraan taon, nabalitaan ko na lang sa dati kong pamantasan na aabot na lamang sa isang class ang magsisipagtapos ng nursing. At dating kong clinical instructors, bumalik sa practice. Bumagsak ang in demand, hindi natuloy ang dagdag na isang taon. Inconsistent ang demand sa graduates. Tumahimik ang  dominant media. May diperensiya ang ekonomiya. Tao ang ini-import. Kinakalakal. 



Ang hindi masabi ng rubber shoes sa darating na eleksyon at ang epekto nito sa OFW

Kandidato sa Presidente si Vice President Binay sa darating na 2016 election. Nabasa ko sa facebook page niya ang pagso-solicit ng sentiyemto tungkol sa  kinakaharap na problema ng bawat Pilipino. Gawi ng mga kandidato ang magtanong ng problema na para bang bagong usbong lang ang mga ito, na para bang hindi pa nila naharap ang ganitong uri ng problema noong naluklok sila sa puwesto. Mag-uumpisa sa pangako na tutulungan, at kapag hindi nagawan ng paraan, iiwanan sa ere. Ibabalik ang sisi sa masa. Katunayan ito sa naging kaso ni Mary Jane at marami pang Pilipinong sinisisi na para bang pinili nila para sa sarili nila ang karukhaan na siya rin naman kinasusuklaman ng burukratang opisyales.

Kapag napapanood ko ang advertisement ni Vice President Jejomar Binay, bumabalik sa alaala ko ang pagmamalupit ng kapulisan ng Makati. Kasagsagan ng pangagampanya kay Mary Jane, ‘ni anino niya ng mga Binay, hindi maaninag. Ngayon, kumakatok sa 2016 eleksyon, kakatwa na magtatanong ng problema gayon hayag na hayag itong kumakalampag sa kinasasakupang munisipalidad.
Si Mar Roxas ang bearer ng Liberal Party. Dedma si Binay sa mag-anak Aquino. Inaanunsyo niya sa publiko ang pahayag niyang ‘hindi na masikmura’ ang kabulukan sa ilalim ni Aquino. Dini-detach ang sarili sa anomalya ng administrasyon. Tumitiwalag kunway malinis. 

http://www.cegp.org/wp-content/uploads/2012/09/394258_4273646115971_1244950680_n1.jpg


mula ang sa http://bulatlat.com/main/2015/03/17/20-years-after-flor-contemplacion-filipinos-migrants-suffer-same-exploitative-conditions/


Kunway magtatanong ng problema at hinaing gayon pampersonal na interes ang adhikain niyang makalikom ng simpatya ng mga botante.

Sa mga tatakbo sa 2016 election, wala sa kanila ang nakita kong bumisita sa solidarity kay Mary Jane. Wala sa mga narinig ko sa balita ang nagpursigeng umaksyon sa hanay nila para palayain si Mary Jane.

Sisihan, bantaan, painosenteng aktitud tungo sa lumalalang krisis lipunan.




Huwebes, Hulyo 30, 2015

kabataan ang pag-asa ng bayan

yung katatapos lang itanong sa'yo kung gina-glamourized lang ng kabataan ang rally, tapos tanaw mo mula sa dulo ng pinakahuling bulto ang winawagayway na bandila ng kabataang estudyante, bagamat minamaliit ang kanilang kapasiyahan batay sa edad, ang mga kabataan ang tagapagmana ng henerasyon kung kayat ang kapasiyahan nilang lumahok sa protesta ay siya na rin kapasiyahan nilang baguhin ang lipunan kanilang mamanahin.

larawan mula sa The Catalyst

para silang mga kabuteng biglang nagsulputan

nagparayang tumakbo sa Presidential election sa ngalan ng kumpadre, least option ng administration, tameme sa Mamasapano clash, kung papalarin manalo, papayag ka na ikaw ang sasalo ng kapalpakan ng Pnoy administration? sobra-sobra pagsang-ayon ay sobra-sobrang pagpapakatuta. hayagang nang hinuhubdan ng pagkatao kebs, nag-uungusan na sa ngala ng status quo.


mula sa http://www.trendingnewsportal.com/2014/08/watch-mar-roxas-traffic-aide-trending.html







http://newsinfo.inquirer.net/709261/palace-confirms-roxas-endorsement-vp-candidate-unnamed

gabi kasama ang tanduay workers

Noong nakaraan gabing pakikipagtalakayan sa mga manggagawa ng Tanduay, ayon sa karanasan nila sa produksyon sa loob ng planta, ang naaksidente habang nasa trabaho ay sinisisi at pinararatangan na 'tanga-tanga'. Ang ilan sa kanila, natalsikan ng bubog sa mata tulad ni Ronnel Marasigan at ang iba naman, naipit ang daliri sa operating machine. Maliban sa 'No work, No pay', ang manggagawa ng Tanduay ang bumibili ng protective gear/vest na ang naglalako rin ay ang management.

Ang pagbabalik ng sisi at pagsasabi ng 'tanga' sa mga mangagawa ay hindi makatao. Sino ba ang bugbog sa trabaho? Sino ang kilos nang kilos? Nire-reverse psychology ang mga mangagawa ng management na tuta ni Lucio Tan para makalusot na i-shoulder ang expenses ng pampapagamot. 'Tong si Lucio Tan kaakibat ang mga tuta niya sa management ay akala mo perpekto na hindi nagkakamali na tila ba exempted silang maaksidente.

Garapal at sagad-sagaran ang ganid sa tubo. Nagpakayaman sa bansang Pilipinas pero walang respekto sa mga Pilipinong manggagawa. May nagkapagsabi, h'wag daw hulihin ang patong nangingitlog ng ginto kungdi mawawalan ng ginto. Mukhang namamaliit ang manggagawa eh nasa kanila nga ang lakas-paggawa.

*Ang TUDLA ang kauna-unahan unyon ng mangagawang kontrakwal.

#TanduayWorkersonStrike #BoycottTanduay#WakasanAngKontraktwalisasyon


Biyernes, Hulyo 10, 2015

Rebolusyonaryong aswang

dahil napanood ko ang old version ng Peter Pan cartoon habang inaantay sumapit ang birthday, nagflashbabk sa'kin ang mga cartoon na kinahiligan ko nu'n bata ako. Si Ida, nakilala sa tagline niyang, “timespace warp, ngayon din!”, na madalas kong ginagaya. Tuwang-tuwa ako sa hinhin niyang magsalita, kahit villain siya, makabuluhan naman ang sinasabi. Dinidiskusyonan niya at ni Fuumu ang monster bago umpisahan ang ritual ng pagbubuo ang monster na kakalabanin ni Shaider.
Stigma na ng monster/halimaw ang masama/villain/pumapatay. Sa Isla ng Panay, minsan nang ginamit ang nosyon ng aswang upang paalisin ang mga colonizer. Si Tenyente Gimo ng Duenas, Iloilo, na pinaniniwalaan kumakain ng liver ng tao ay pinalaganap noong panahon ng hapones. Ang babaylan/healer na lider ng komyunidad na tinawag na 'aswang' ng kastila para sila ay kasuklaman at overthrown bilang lider gayon mapalawak pa ang encomienda at umagaw ng lupang patatayuan ng simbahan. Ang mga babaylan/shaman na ito ay mga aswang na siyang nagrebolusyon laban sa kastila. Sosyo-kultural konsepto ng aswang sa pagtanggol ng soberanya.

Miyerkules, Hunyo 10, 2015

SIAKOL: HOR mob at dramatic na scene ng bagets sa first days of school at ang siomai


nakita ka raw nila. hindi tayo nagpang-abot. nanghihinayang ako. pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita tayo. mukhang hindi pa ako handa. patawad kung kinukwento kita sa iba, ang pagtanggi mo sa pagsuyo ko sayo. Uu, kinukwento kita, naghahanap ako ng sagot sa kanila. kinukwento kita sa mga kakilalang matagal nang hindi nakita. kinukwento kita sa mga kakakilala pa lang. Sunga ako, tama. Sa kanila ko hinahanap ang tanong na sa'yo magmumula. Sinisinsin ko ang mga pananaw nila. Baka makadagit ako ng mainam na kasagutan na ikaw lang naman ang makakapagbigay. sa lahat ng iyon. ayaw nila. pero gusto ko. subjective sila, ang konklusyon nila. subjective daw ako dahil sa feeling ko. marami akong gustong i kwento sayo tulad ng bagong nababasa kong libro. yung mga pasaherong naka kurbata, antok na antok sila. parang ako lang ang gising.parang ako lang ang may diwa. parang gusto ko silang tanungin, alam ba nila na pinapanawagan natin ang makatarungan na sahod. yung trapik na lalong nagpapaalala ng kakaunting alaala natin. magaanim na buwan na rin ang lumipas, 'ni anino mo hindi ko nasilayan. lumisan na ang mga ganap sa buhay mong itinapon mo na kung saan , akala mo lang na babalik ang mga iyon. HINDI. hinding-hindi sakin. maibalik ko sana ang tanong mo sa'kin nun huli tayong nagkita;


bakit? bakit? bakit?




*epekto ng maanghang na somai

Linggo, Mayo 24, 2015

LSS dahil sunday ngayon

HIMIG NG PAG-IBIG 



Linggo nga pala ngayon, naalala ko ang kantahan sa labas ng opis. biruin mo kung susumahin ang petty b lang ng problema ng  manunulat sa patag, nagkakagulo sila sa plagiarism, sa publisher na mukhang pera, sa materyal na kanilang isusulat kumpara sa haba ng panahon ng paglalakad mo upang magkapuwang ang kaayusang inaasam maging sila man apektado ng umiiral na sistema. Hindi na kita naihatid sa kadahilanan na hindi ko rin maisip pa kung bakit hindi pero nandon ang panghihinayang at pabaon na ingat. Hanggang sa muling pagkikita at kumustahan, kasama. Yung kanta ng Beatles at Asin ang magpapaalala sa'kin sayo. 



Sabado, Pebrero 21, 2015

sepanX ng nagdaan kabataan makabayan @ 50 theater production

Siguro nga dahil lumaki ako sa lipunan panatiko sa mga inanimate, tapunan nga naman ang bansa natin ng surplus ng kolonyal na bansang US. Mahirap nga naman makabili ng bagong gamit dahil mahirap kitain ang pera.  Maliban dito, egoistic ang acquistion ng bagong gamit lalo na't ito ay uso.  Pupurihin ka ng kakilala mo. Ang papuri ay nagdadala ng status quo. Kahit pa sa reyalidad, below minimum wager lang ang consumer or walang trabaho.  Ang halimbawang isang janitor na mag may ari ng iphone na tig 20k, hindi nga naman ito imposible, dahil sa konsumerismo,  kaya nga sumulpot ang imitation.  In relation to this thing called consumerism na ang high end gadget ay pinauuso ng mayaman bansa para sa mga elista,  name it, yan mga kasama sa class na burgeios compradors,  pambansang kumprador at landlords. At dahil nga nasa kanila ang economy at political power, naimpluwesyahan din nila ang kultura. So kung ano ang meron sila, silang mga ruling class,  ginagaya ng lower class. At gagayahin na ng nakakarami,  hegemonized nga ang ating kultura.  Yung yata ang purpose ng kunsumerismo, ang sumunod sa uso kahit isang kahig-isang tuka lang.

In relation to this again, dito ko yata nakuha ang drama ko kapag itinapon o ibinabalik na ang gamit na hiniram. Ayaw ko na sana ibalik ang kahon na pinaglagyan ng costume ko. Memorable sakin ang prod maliban sa golden anniversary ng kabataan makabayan,  for 28 years ng existence ko, first time kong magtanghal sa totoong teatro.

Totoong marami akong sinakrispiyo dito tulad ng pagsasantabi ng ilang mahalagang gawain, bagamat noon una alangan pa ako kung kakayanin ko nga ang mahabang oras ng rehearsal at kung magagampanan ko ng maayos ang role ko bilang cast ng production. Kung hindi nga naman susubukan, hindi mo rin malalaman ang hangganan ng sariling kakayahan. Chorale, movers at actress hindi main character ngunit lahat ng naman ng role main man or extra malaking role na yung sa pagbubuo ng isang imposibleng production.

Demoralisa na nga ako kapag laging pinupuna ang mali ko, kasi subjective na ang pagtigin ko na ako ak na lang laging nakikita pero burgis iyun, kasi yung magagaling kapag nagkamali, hindi na pinupuna, pero pagtatama naman sa pagkakamali para matuto lalo nat hindi naman mahaba ang panahon ng rehearsals at hindi naman ako at kami na karamihan ay performer. Natapos ang production at matagumpay na nailunsad, sa dami ng taong dumalo.

Isa sa realization ko sa production, ang pagpapanibagong-hubog ang tunguhin nito pagpapaunlad sa sarili, na overcome ko ang fear ko sa pagharap sa maraming tao (digits? 4k lang naman) at pakikibagay sa iba't-ibang tao na iba-iba ang ugali at pananaw. Tunggalian pero may pagkatuto.
Totoong haggard-an ang prod lalo na sa production staff, challenge ang itaguyod ang prod na limitado ang rekurso.

Lalo mo pang nakikila ang sarili, one step forward, binabakbak ang kaburgisan sa katawan upang lalo pang mapagsilbihan ng buong buo ang sambayanan.

Ano nga uli ang sabi sa panunumpa,

"Pangangalagaan ang dangal at pagkakaisa ng Kabataan Makabayan at Pambansa-demokratikong kilusan, buhay ko man ay ialay.



Lunes, Pebrero 16, 2015

KM@50 videos

dapat pala nag hire ako ng sariling photographer na ako lang ang kukuwanan niya ng shots, kakaunti lang ang picture ko. hahaha. Arti! well ito na ang ilan sa videos na nadaanan naman ang mukha ko.




ito pa





Martes, Pebrero 3, 2015

tangang pangulo galit na si the gwapings

from Pixel Offensive

Dati ko lang siya napapanood sa 'Palibhasa Lalaki' every saturday night comedy sitcom ng ABS-CBN na natural na pa macho din ang palabas (kung paano nga nila pakitunguhan ang mga invited guest nilang babae) at puru tolonges hinding-hindi ko rin malilimutan yung tagline ng kasama niya na sila Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuosona na 'We are the Gwapings' na siyang madalas ko rin ginagaya noon panahon kasagsagan ng sitcom na ito. 

Ang sabi ng matatanda, ang tahimik daw na lalaki kapag nagsalita, totoo at wagas. Minsan lang magsalita pero masakit. Magsasalita lang kapag sobra na. Kung sa pamacho lang na usapan, ang bumatikos sa maling gawain lalo't nasa kapangyarihan ang pinagpatungkulan ay isang tunay na katapangan. Hindi lang simpleng banat ang binitiwan ni Jomari kay Pnoy, matindi at masakit ang binitawan niyang salita, 'tangang Pangulo ng Pilipinas' at tinutugis niya ang dayuhan umaagaw ng lupa. Kahit na alam niyang mapanganib ang magsalita na may halong politika dahil nasa mundo siya ng mediocrity which is showbiz at kapitbahay lang niya si Kris Aquino sa showbiz. Katapangan ang pinakita niya, bilang isang dating matinee idol, lumikha rin siya ng pangalan sa showbiz industry na pagkakamalan mong nakahanay lang din siya sa mga bastos na artista na magpakita lang ng katawan lumaki na ang ulo, na akala nila magaling silang umarte, na pinanday ang galing nila ng mga awards na peke, na ang esensiya ay para lang pagkakitaan at e-exploit sila bilang artist. Isubo sa kanila ang kontratang umuupos sa kanila bilang talents. Nag-iinvest ng talents, unequal ang. 

Aakalain natin nakukupot lang sila sa pag entertain ng manonood, na robot silang dinidiktahan ng manager at network na humahawak sa kanila. Atleast sa pagbubukas ni Jomari Yllana ng opinyon niya at ginawa pa niya sa social media, masasabing ang middle class na artista tulad niya ay direktang apektado ng bulok na sistema, umaaray, direktang apektado ng mismong kasunduan paandar ng impeng US at minamanipula ng administrasyong Arroyo. Isang Jomari Yllana, mula sa hanay ng mainstream artist, ang nakaka obserba ng pangdarambong sa likas na yaman ng Pilipinas, tunay nga siyang Pilipino, nagmamalasakit siya sa sariling bansa. 


Politika nga naman ang kulang, at karamihan sa showbiz na inihulma na maging dekadente at immatured, binabastos ang pagkatao nila at binabansot ang role nila sa lipunan, kamangha-mangha ang pagpapakitang tapang ni Jomari. Politika ang dala niya at pinangudngod niya sa mukha ni Pnoy ang katangahan niya. Unlike ng naka trabaho niyang si Richard Gomez sa Palibhasa Lalaki, sumikat nga at gumaganap ng main cast at maraming awards, pero katawan lang meron, walang bayag at wala rin utak. Walang malasakit sa kababaihan. Walang pusong makabayan. 
Kasikatan lang niya ang iniintindi niya. Makapal ang mukhang tumakbo sa govenment position na wala ngang malasakit sa kababaihan. Sa ganitong ganap ng panahon natin na palala nang palala ang krisis, hindi natin kailangan ng isang Richard Gomez. 

Ang pagharap sa hamon ng buhay ang totoong eksena at ginagampanan iyan ni Jomari. At dahil iyan ikaw ang tunay na macho, ang artista ng bayan, nagsasalita para kapwa nagdadala ng politika. 

Walang-wala si Richard, mas walang-wala si Pnoy. 

Goodluck sa paga unfollow ni Kris Aquino, baka wala nang matira sa kanya. Immatured! 

Huwebes, Enero 22, 2015

WHOGOAT after 3 years

nagugutom na ako pero tangina, mas malala pa rin tong damage na ginawa mo sakin. ramdam na ramdam. sumugod, hindi naman pala handa? ano to? ganun ganun na lang?  naikundisyon mo na ako, biglang aatras. ngayon kelangan kong i take tong consequences ng decision mo. sana naisip mong may involvement ng feelings, dito. at hindi tayo naglalaro na kapag ayaw na, ayaw na. sana nun una palang naging decisive na.

sa dami dami ng tanong ko, ito pa ang isasagot ng tao, 'ganun talaga'. 

Ang giyera ng Impe at ang freedom of expression (Charlie Hebro issue)


so you think na justifiable kitlin ang buhay ng mamahayag at cartoonist ng charlie hebro dahil against ang satire nila sa islamic religion.

but hey, nabubuo ang constructive criticism sa malayang pamamahayag at anuman porma ng paninikil ay isang obstruction sa uusbong na panibagong ideas (worst na yang pagpatay!)

So kapag offending ang ideas, resort agad sa pagpatay? Tinatanggal ng pluralismo ang sense ng pakikipag kapwa. Sentro tayo sa pagpaslang at kundenahin ang ganyan acts of violence. Dahil kung hindi, tsugian na lang yan forever. Wala nang free flowing of ideas from everything under the sun.

tsemperley... tsemperley.... eskemperduu...

enehaw, thou shall not kill naman in the name of God. that's too kalurkeey.


Maan lang ah. 

KM@50 prod

oh ayan, kasama ako sa cast ng teatrong pagtatanghal  sa Jan. 30 bilang movers, actress, chorale. Nilevel up ko na ang pagiging cultural head committee ko. Malaking tulong ang rehearsal sa duguan puso ko (maitawid lang). 


Biyernes, Enero 2, 2015

ESCAPIST

Tila baril na nakatutok sa'kin ang maraming tanong na naduduwag kong sagutin sa mga nagtatanong sa'kin. Hindi ka ba mag-aasawa? Wala ka bang planong mag-anak? Magtrabaho? Tumatanda ka na.

Humaharap na yata ako sa quarter life crises. Bothered ako ng existentialist questions na kinakaharap din ng mga kaedaran ko, ‘paano ka pagtanda?’

Ginigiit ng tito ko na magka-SSS. Paano ko daw isasalba ang sarili ko sa pagtanda nang walang pensyon. Nabarkada daw ako kaya ako naging aktibista. Metapisikal na konklusyon. Loner nga ako eh. Maliit pa lang ako, pinagbabawalan na akong lumabas ng bahay. Wala nga akong naka barkada na kapitbahay. Yung mga highschool friends ko, wiz khalifa akeech balita. Looking for greener pasture ang peg ng mga college friends ko.

Kinukupot ang sekyuridad sa pagtanda ng pagkakaroon ng SSS at iba pang anek na government benefits. Mahirap ang sekyuridad sa Pinas. Nag-aagawan ang classes at any form of ownerships. Kahit ano pa ang naipundar, gumagawa ng paraan ang gobyerno na bawiin ang pagmamay-ari. Hindi ba ganyan ang nangyari sa mga denimolish na maralita.

Matagal nang uso sa reactionary government ang mangako at babawiin kapag iniipit na sila ng ruling class. Achoo. Achoo. Kaya hindi na bago ang walang sawang amendments at reforms na sa sumatutal silang bureucrats din ang nakikinabang.

Kung madali lang ipaintindi sa tito ko na class-based structure ng society sa Pinas. Hindi na sana ako magtatago pagdating nila. (Hahaha).

Ang daming pinapa problema sa’kin ng mga tao. Dagdag sa nilalabanan na kontradiksyon. Matatagpuan ko uli ang sarili kong napi privilege speech sa harap ng kamag-anak. Mauupos akong parang kandila uli nito.

Nagwa wild ang utak ko, naghehead-bang sa Halik ni Hudas ng Wolfgang.

Puwede ko pa naman ihulog ang natitirang pamasko ko sa SSS. Ay, nawawala na ang SSS ID ko.


Hay naku buhay…